-
Manggagapas, PaggapasKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang sinaunang karit ay gawa sa kahoy o buto ng hayop na sinuksukan ng mga piraso ng batong-pingkian na nagsilbing talim nito. Nang maglaon, ginamit naman ang mas pamilyar na nakakurbang metal na talim. Hinahawakan ng manggagapas ang mga tangkay sa isang kamay at pinuputol ang mga ito gamit ang kabilang kamay.
-