-
AsenaparKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Si Ashurbanipal ay anak ni Esar-hadon (Ezr 4:2) at apo ni Senakerib. Siya ay kapanahon ni Haring Manases ng Juda (716-662 B.C.E.), na ang pangalan ay masusumpungan sa isang prisma ni Ashurbanipal kung saan nakatala ang mga 20 hari na mga sakop ng Asirya.
-
-
AsenaparKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Pasimula noong 1845 C.E., isiniwalat ng mga paghuhukay ang isang napakalaking aklatan na binuo ni Ashurbanipal sa Nineve at naglalaman ng mga 22,000 tapyas na luwad at teksto. Bukod sa mga bulong, mga dasal, at mga himno, kabilang sa libu-libong akdang cuneiform ang mga artikulo tungkol sa kasaysayan, heograpiya, astronomiya, mga talahanayan para sa matematika, medisina, balarila, at mga dokumento sa negosyo na may kinalaman sa mga kontrata, bilihan, at pautang. Ang mga ito ay itinuturing na mahalagang mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa Asirya.
-