-
Hayop, Makasagisag na mgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
HAYOP, MAKASAGISAG NA MGA
Mula pa noong unang panahon, inoobserbahan na ng mga tao ang mga katangian at ugali ng mga hayop at sa makasagisag na paraan ay ikinakapit nila ang mga ito sa mga indibiduwal, mga grupo ng mga tao, mga pamahalaan, at mga organisasyon. Madalas gamitin sa Bibliya ang epektibong paraang ito ng pagsasalarawan. Nakatala sa kalakip na mga tsart ang mga halimbawa ng makasagisag na paggamit ng mga katangian na likas, o kaya’y mababanaag, sa isang hayop.
-
-
Hayop, Makasagisag na mgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
[Tsart sa pahina 920]
MGA SAGISAG NG MGA BAGAY NA KANAIS-NAIS
HAYOP
UGALI O KATANGIAN
ISINASAGISAG
Agila
Malayong pananaw
Karunungan, katangian ng “nilalang na buháy” na malapit sa trono ni Jehova (Apo 4:7)
Kaunawaan, malayong espirituwal na pananaw ng mga lingkod ng Diyos (Mat 24:28; Luc 17:37)
Agila, mga pakpak ng
Kakayahang lumipad
Nananariwang sigla, pagbabata (Aw 103:5; Isa 40:31)
Pangangalaga, proteksiyon
Pangangalaga ni Jehova sa Israel (Exo 19:4) at sa kaniyang “babae” (Apo 12:14)
Asno
Nakagagawa ng mabigat na trabaho
Tribo ni Isacar na handang magpagal (Gen 49:14, 15)
Gasela (at mga kauri nito)
Maganda, kaibig-ibig
Pastol na mangingibig ng Shulamita (Sol 2:9)
Mabilis
Bilis ng mga Gaditang mandirigma (1Cr 12:8)
Isda
Malinis ang ilang isda ayon sa Kautusan (Lev 11:9)
Mga taong mabuti, matuwid, karapat-dapat sa Kaharian (Mat 13:47-50)
Kabayo (puti)
Sasakyan sa digmaan
Matuwid na pakikidigma (Apo 19:11, 16)
Kalapati (batu-bato)
Kaibig-ibig, maganda, walang-muwang
Babaing Shulamita (Sol 1:15; 5:2)
Mga lingkod ng Diyos na walang-muwang, hindi manlalabag-batas (Mat 10:16)
Nakauuwi sa bahay nito
Pagtitipon sa bayan ni Jehova (Isa 60:8)
Kambing
Haing hayop
Si Jesu-Kristo bilang hain (Heb 9:11-14)
Leon
Karingalan, lakas ng loob, pagiging mapamuksa sa mga kaaway
Katarungan, katangian ng “nilalang na buháy” na malapit sa trono ni Jehova (Apo 4:7)
Si Jesus bilang maringal na Hari, tagapaglapat ng katarungan (Gen 49:9; Apo 5:5)
Si Jehova (Isa 31:4; Os 11:10)
Bayan ni Jehova (Mik 5:8)
Lobo
Lumalaban
Tribo ni Benjamin, nakipaglaban sa mga kaaway ng Diyos (Gen 49:27)
Manok (inahin)
Nagsasanggalang sa sisiw nito
Magiliw na pangangalaga ni Jesus (Mat 23:37; Luc 13:34)
May-sungay na ahas (serpiyente)
Mapanganib
Tribo ni Dan, may-kakayahang bantay ng Israel sa likuran (Gen 49:17)
Serpiyente
Maingat (Gen 3:1)
Mga lingkod ng Diyos ay maingat (Mat 10:16)
Toro
Lakas, kapangyarihan (Job 39:9-11)
Kapangyarihan, katangian ng “nilalang na buháy” na malapit sa trono ni Jehova (Apo 4:7)
Toro (guya)
Haing hayop
Bunga ng mga labi, mga hain ng papuri (Os 14:2; Heb 13:15)
Si Jesu-Kristo bilang hain (Heb 9:11-14)
Tupa
Haing hayop; maamo, masunurin, laging magkakasama
Si Jesu-Kristo, “ang Kordero ng Diyos” (Ju 1:29; Apo 5:6; 14:1; 22:3)
Kawan ng bayan ni Jehova (Aw 79:13; Ju 10:7; Heb 13:20)
Mga taong gumagawa ng mabuti sa espirituwal na mga kapatid ni Kristo, at magtatamo ng mga pagpapala ng Kaharian (Mat 25:32-34)
Usa (babae)
Matulin
Tribo ni Neptali na matulin sa pagbabaka (Gen 49:21)
Matatag na mga paa
Pagpapatatag at pagpatnubay ni Jehova sa mga hakbang ng isa (2Sa 22:34; Aw 18:33)
Kaibig-ibig
Asawang babae (Kaw 5:19)
[Tsart sa pahina 921, 922]
MGA SAGISAG NG MGA BAGAY NA MASAMA AT DI-KANAIS-NAIS
HAYOP
UGALI O KATANGIAN
ISINASAGISAG
Mga hayop sa pangkalahatan
Walang kakayahang mangatuwiran
Mga taong balakyot (2Pe 2:12; Jud 10)
Agila
Ganid, naninila
Mga hari ng Babilonya at Ehipto (Eze 17:3, 7, 12, 15)
Asno
Malakas na seksuwal na pagnanasa
Walang-pananampalatayang Juda na bumaling sa Asirya at Ehipto (Eze 23:20)
Aso
Mabangis, marumi, naninila nang pangkat-pangkat, walang-kasiyahang seksuwal na pagnanasa
Balakyot na mga kaaway ni David (Aw 22:16; 59:6, 14)
Manggagawa ng kalisyaan sa sekso (Deu 23:18; Fil 3:2; Apo 22:15)
Walang-kabuluhang tao (2Sa 16:9)
Balakyot na mga pastol ng Israel (Isa 56:10, 11)
Pangmalas ng sinaunang mga Judio sa di-tuling Gentil (Mat 15:26, 27)
Mga apostata (2Pe 2:22)
Baboy (babae)
Karumihan
Mga apostata (2Pe 2:22)
Dragon
Nanlalamon, nandudurog, nanlululon
Satanas na Diyablo (Apo 12:9)
Hari ng Babilonya (Jer 51:34, tlb sa Rbi8 )
Isda
Marumi ang ilang isda ayon sa Kautusan (Lev 11:10-12)
Mga taong balakyot, di-karapat-dapat sa Kaharian (Mat 13:47-50)
Kabayo
Kapaki-pakinabang sa pagbabaka (Job 39:19-25)
Pakikidigma, hayop na pandigma (Aw 33:17; 147:10; Isa 31:1; Jer 4:13)
Malakas na seksuwal na pagnanasa
Mga Israelitang haling sa sekso noong panahon ni Jeremias (Jer 5:8)
Kalapati
Madaling magambala, di-matatag, mangmang
Sampung-tribong kaharian ng Israel (Os 7:11)
Kambing
Sutil, mapagsarili, may tendensiyang manuwag
Mga taong hindi naging mabuti sa espirituwal na mga kapatid ni Kristo, mga “isinumpa” para sa pagkapuksa (Mat 25:32, 41, 46)
Kapangyarihang Pandaigdig ng Gresya (Dan 8:5, 21)
Kamelyo (babae)
Walang-patutunguhang paghahanap ng kasiyahan sa sekso
Di-tapat na Israel na sumunod sa mga bansang pagano at sa mga diyos ng mga ito (Jer 2:23)
Leon
Mabangis, ganid, naninila
Balakyot na mga kaaway ni David (Aw 22:13)
Kapangyarihang Pandaigdig ng Babilonya (Dan 7:4)
Mga hari ng Asirya at Babilonya (Jer 50:17)
Diyablo (1Pe 5:8)
Leopardo
Bilis
Bilis ng pananakop ng mga Caldeo (Hab 1:8)
Kapangyarihang Pandaigdig ng Gresya (Dan 7:6)
Lobo
Mabangis, ganid, mabalasik, tuso
Mga bulaang propeta (Mat 7:15)
Balakyot, bulaang mga Kristiyano; mga bulaang guro (Gaw 20:29)
Balakyot na mga tao sa sanlibutan (Mat 10:16)
Oso
Mabangis
Balakyot na mga tagapamahala (Kaw 28:15)
Kapangyarihang Pandaigdig ng Medo-Persia (Dan 7:5)
Sebra (babae)
Naghahangad ng kasiyahan sa sekso kahit kanino
Ang di-tapat na Israel na sumunod sa mga bansang pagano at sa mga diyos ng mga ito (Jer 2:24)
Serpiyente
Tuso, mapanlinlang (2Co 11:3)
Satanas na Diyablo (Apo 12:9)
Sorra
Katusuhan
Mapanlinlang na si Haring Herodes Antipas (Luc 13:32)
Toro
Mabangis
Balakyot na mga kaaway ni David (Aw 22:12)
Tupa (lalaki)
Nanunuwag
Kapangyarihang Pandaigdig ng Medo-Persia (Dan 8:3, 4, 20)
Uod
Hamak, mahina, walang-halaga
Israel (Jacob) na bansa ng Diyos, mahina sa ganang sarili, malakas dahil sa kapangyarihan ni Jehova (Isa 41:13-15)
-