Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kasipagan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sa Bibliya, ang salitang Griego na isinasaling “kasipagan” ay mas madalas isalin bilang “kasigasigan,” “tunay na kasigasigan,” o “marubdob na pagsisikap.”

  • Kasipagan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Upang maiwasan ng mga Kristiyano na maging di-aktibo o di-mabunga, dapat silang ‘magdagdag, bilang tugon [sa mga pangako ng Diyos], ng lahat ng marubdob na pagsisikap’ habang idinaragdag nila sa kanilang pananampalataya ang kagalingan, kaalaman, pagpipigil sa sarili, pagbabata, makadiyos na debosyon, pagmamahal na pangkapatid, at pag-ibig. (2Pe 1:4-8) Nangangailangan ito ng patuloy na pagpapagal nang may kasipagan at pagtitiyaga (2Ti 2:15; Heb 4:11) at palagiang pagbibigay-pansin. (Heb 2:1) Ang malaking bahagi ng lakas na kinakailangan para rito ay nagmumula sa tulong ng espiritu ni Jehova. Wala nang mas mariin pang payo hinggil sa pangangailangang maging masipag kaysa sa payo ng apostol na si Pablo: “Huwag magmakupad sa inyong gawain. Maging maningas kayo sa espiritu. Magpaalipin kayo para kay Jehova”! Ang kahilingang ito na maging masipag ay kapit sa lahat ng ministro (“maging abala tayo sa ministeryong ito”), ngunit lalo na itong kailangan sa mga namumuno o nangangasiwa ng mga pagtitipon at mga gawain sa kongregasyon, sapagkat “siya na namumuno, gawin niya iyon nang may tunay na kasigasigan.”​—Ro 12:7, 8, 11.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share