Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Belsasar
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Noong 1924, inilathala ang kahulugan ng isang sinaunang tekstong cuneiform na tinawag na “Verse Account of Nabonidus,” at isiniwalat nito ang mahahalagang impormasyon na malinaw na nagpapatunay sa posisyon ni Belsasar bilang hari sa Babilonya at nagpapaliwanag kung paano siya naging kasamang-tagapamahala ni Nabonido. May kinalaman sa pagbihag ni Nabonido sa Tema noong ikatlong taon ng kaniyang pamamahala, isang bahagi ng teksto ang nagsasabi: “Ipinagkatiwala niya ang ‘Kampo’ sa kaniyang pinakamatanda(ng anak), ang panganay [si Belsasar], ang mga hukbo sa lahat ng dako ng bansa ay inutusan niyang magpasailalim (sa pangangasiwa) nito. Ipinaubaya niya (ang lahat), ipinagkatiwala ang pagkahari sa kaniya at, siya mismo, siya [si Nabonido] ay nagpasimula ng isang mahabang paglalakbay, ang mga hukbo(ng militar) ng Akkad ay humayong kasama niya; bumaling siya patungong Tema (na nasa malayo) sa dakong kanluran.” (Ancient Near Eastern Texts, inedit ni J. Pritchard, 1974, p. 313) Kaya, talagang humawak ng maharlikang awtoridad si Belsasar mula noong ikatlong taon ni Nabonido, at malamang na katugma ng pangyayaring ito ang pagtukoy ni Daniel sa “unang taon ni Belsasar na hari ng Babilonya.”​—Dan 7:1.

      [Larawan sa pahina 372]

      Ang silinder sa templo ng Babilonya na bumabanggit kay Haring Nabonido at sa kaniyang anak na si Belsasar

      Sa isa pang dokumento na tinatawag na Nabonidus Chronicle, may masusumpungang pananalita hinggil sa ikapito, ikasiyam, ikasampu, at ikalabing-isang opisyal na taon ng paghahari ni Nabonido. Ito ay kababasahan: “Ang hari (ay) nasa Tema (samantalang) ang prinsipe, ang mga opisyal, at ang kaniyang hukbo (ay) nasa Akkad [Babilonia].” (Assyrian and Babylonian Chronicles, ni A. K. Grayson, 1975, p. 108) Lumilitaw na ginugol ni Nabonido ang kalakhang bahagi ng kaniyang paghahari nang malayo sa Babilonya, at bagaman hindi binibitiwan ang kaniyang posisyon bilang kataas-taasang tagapamahala, pinagkatiwalaan niya ng administratibong awtoridad ang kaniyang anak na si Belsasar upang mamahala habang wala siya. Maliwanag ito sa maraming tekstong nakuha mula sa mga sinaunang artsibo na nagpapatunay na si Belsasar ay humawak ng maharlikang mga pribilehiyo, na siya ay nagpapalabas noon ng mga utos. Ang mga bagay na inasikaso ni Belsasar sa ilang mga dokumento at mga utos ay mga bagay na karaniwan nang si Nabonido ang mag-aasikaso, bilang ang kataas-taasang tagapamahala, kung naroroon siya.

  • Belsasar
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share