Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Dario
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ipinakikita ng Nabonidus Chronicle na nakamit ni Ciro ang pagkahari sa mga Medo nang mabihag niya si Astyages.

  • Dario
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang sinaunang tekstong cuneiform na tinatawag na Nabonidus Chronicle, sa salaysay nito tungkol sa pagbagsak ng Babilonya, ay nagsasabi na si Ugbaru na “gobernador ng Gutium at ang hukbo ni Ciro ay pumasok sa Babilonya nang walang pagbabaka.” At pagkatapos ilahad na pumasok si Ciro sa lunsod pagkaraan ng 17 araw, sinasabi ng inskripsiyon na si Gubaru, “ang kaniyang gobernador, ay nagtalaga ng mga (katulong na) gobernador sa Babilonya.” (Ancient Near Eastern Texts, inedit ni J. Pritchard, 1974, p. 306; ihambing ang Darius the Mede, ni J. C. Whitcomb, 1959, p. 17.) Pansinin na hindi magkapareho ang mga pangalang “Ugbaru” at “Gubaru.” Bagaman waring magkatulad ang mga ito, sa cuneiform na istilo ng pagsulat, ang marka para sa unang pantig ng pangalan ni Ugbaru ay ibang-iba kaysa roon sa Gubaru. Sinasabi ng Chronicle na si Ugbaru, ang gobernador ng Gutium, ay namatay mga ilang linggo pagkaraan ng pananakop.

  • Dario
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • May kinalaman dito, itinatawag-pansin ni Propesor Whitcomb na ayon sa Nabonidus Chronicle, si Gubaru, bilang gobernador ng distrito na itinalaga ni Ciro, ay “nag-atas ng . . . (mga gobernador ng distrito) sa Babilonya,” katulad ng sinasabi sa Daniel 6:1, 2 na “inatasan [ni Dario] sa kaharian ang isang daan at dalawampung satrapa.” Kaya naman naniniwala si Whitcomb na si Gubaru, bilang isang gobernador ng mga gobernador, ay malamang na tinawag na hari niyaong mga nakabababa sa kaniya. (Darius the Mede, p. 31-33)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share