Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Katinuan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • KATINUAN

      [sa Ingles, soberness].

      Ang mga salitang Griego na neʹpho (pandiwa) at ne·phaʹli·os (pang-uri) ay pangunahin nang tumutukoy sa kalagayan ng pagiging hindi lasing. Gayunman, ang mga ito’y ginagamit sa Kasulatan pangunahin na sa isang makasagisag na diwa. Ang mga ito’y may ideya ng pagiging matino, katamtaman ang mga pag-uugali, mapagpuyat, mapagbantay, o ng pagpapanatili ng katinuan.

  • Katinuan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang matatandang lalaki at babae ay pinapayuhan din nang ganito, anupat ang matatandang babae ay magpapakita ng halimbawa “upang mapanauli nila sa katinuan ang mga kabataang babae,” upang maging mabubuting asawa at ina, na nagpapasakop sa kani-kanilang asawa.​—Tit 2:2-5.

  • Katinuan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sa gayunding diwa, bago nito ay sumulat na siya sa mga taga-Tesalonica, na nililigalig ng mga taong nagtataguyod ng mga bagay na hindi itinuro ng mga apostol. Hinggil sa “araw ni Jehova,” sinabi niya na ang araw na iyon ay biglang darating ngunit hindi niyaon aabutan ang tunay at tapat na mga Kristiyano gaya ng sa mga magnanakaw. Dahil dito, hindi sila dapat antukin, kundi dapat nilang tiyakin na sila’y mapagbantay. Dapat silang ‘manatiling gising at panatilihin ang kanilang katinuan [sa literal, maging matino].’​—1Te 5:2-6, 8.

      Nagbabala rin si Pablo kay Timoteo hinggil sa dumarating na apostasya, at sa panganib na idudulot nito sa pagkakaisa ng mga Kristiyanong nagnanais na manatiling tapat. Si Timoteo lalung-lalo na, bilang tagapangasiwa, ay kinailangang magbantay upang ‘mapanatili ang kaniyang katinuan [maging matino ang pag-iisip] sa lahat ng mga bagay,’ upang ‘magtiis ng kasamaan, gawin ang gawain ng isang ebanghelisador, lubusang ganapin ang kaniyang ministeryo.’ (2Ti 4:3-5) Sa pagpapanatili niya ng kaniyang katinuan, matatanto ni Timoteo na hindi na magtatagal at mawawala na si Pablo (2Ti 4:6-8), at na sa bandang huli, si Timoteo mismo ay mawawala na rin, kaya naman ang mga bagay na kaniyang natutuhan ay dapat niyang ipagkatiwala sa mga taong tapat, na magiging lubusang kuwalipikado na magturo naman sa iba. (2Ti 2:2) Sa gayon, ang kongregasyon ay mapatitibay bilang isang pananggalang laban sa dumarating na apostasya, anupat nagiging “isang haligi at suhay ng katotohanan.”​—1Ti 3:15.

      Sa gayunding paraan, ang apostol na si Pedro, palibhasa’y nalalaman niyang siya at ang kaniyang mga kapuwa apostol ay hindi na magtatagal (2Pe 1:14) upang magsilbing pamigil sa apostasya na pakana ng Diyablo, ay nagpayo sa mga Kristiyano na manghawakang mahigpit sa kanilang kaligtasan sa pamamagitan ni Kristo, anupat ‘pinananatiling lubos ang kanilang katinuan [sa literal, maging ganap na matino], na inilalagak ang kanilang pag-asa sa di-sana-nararapat na kabaitan na dadalhin sa kanila sa pagkakasiwalat kay Jesu-Kristo.’ (1Pe 1:13) Dahil napakakritikal ng panahon, at sumisidhi ang pag-uusig mula sa sanlibutan, dapat silang maging matino sa pag-iisip, maging mapagbantay, mapagpuyat, at huwag nilang pabayaan ang taimtim na pananalangin, upang magkamit sila ng lakas na kakailanganin nila para sa pagbabata. (1Pe 4:7) Binabalaan niya sila at pinayuhan na panatilihin ang kanilang katinuan, sapagkat ang Diyablo ay tulad ng isang leong umuungal na naghahanap ng masisila, at kailangan silang manindigang matatag laban sa Diyablo. Mangangailangan ito ng katinuan, pagkaseryoso, at pagpipigil sa sarili.​—1Pe 5:8, 9.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share