-
Peleteo, MgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
PELETEO, MGA
Matatapat na mandirigma ni Haring David; laging binabanggit kasama ng mga Kereteo. Nang tumakas si David mula sa Jerusalem dahil sa paghihimagsik ni Absalom (na sinuportahan ng kalakhang bahagi ng hukbo), ang mga Peleteo ay sumama kay David nang tumawid siya ng Kidron. (2Sa 15:18, 23) Tumulong din silang sugpuin ang paghihimagsik ni Sheba (2Sa 20:7), at nang maglaon ay sinuportahan nila ang pagpili ni David kay Solomon bilang kahalili niya, sa halip na pumanig kay Adonias gaya ng ginawa ni Joab. (1Ha 1:38, 44) Ang mga Kereteo at mga Peleteo ay hindi bahagi ng karaniwang hukbo kundi isang bukod na pangkat na naglilingkod kay Haring David, sapagkat si Joab ay tinatawag na ulo ng hukbo, ngunit, nakabukod sa kanila, si Benaias ang namamahala sa mga Kereteo at mga Peleteo. (2Sa 8:18; 20:23; 1Cr 18:17)
-
-
Peleteo, MgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
. (2) Sa kabilang dako, marahil ang mga pangalang Kereteo at Peleteo ay mga terminong tumutukoy sa tungkulin o mga ranggo ng paglilingkod na isinagawa ng tagapagbantay ni David, anupat ang mga Kereteo ang naglingkod bilang mga tagapuksa, ang mga Peleteo naman bilang mga mananakbo
-