-
KabanalanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ang iba pang mga araw ng banal na kombensiyon o Sabbath ay: ang unang araw ng ikapitong buwan (Lev 23:24) at ang Araw ng Pagbabayad-Sala sa ikasampung araw ng ikapitong buwan. (Lev 23:26-32) Ang mga yugto ng mga kapistahan, at partikular na ang ilang araw niyaon, ay ipinangingilin bilang “mga banal na kombensiyon.” (Lev 23:37, 38) Ang mga kapistahang ito ay ang Paskuwa at ang Kapistahan ng mga Tinapay na Walang Pampaalsa (Lev 23:4-8); ang Pentecostes, o Kapistahan ng mga Sanlinggo (Lev 23:15-21); at ang Kapistahan ng mga Kubol, o Pagtitipon ng Ani.—Lev 23:33-36, 39-43; tingnan ang KOMBENSIYON.
-
-
KabanalanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Inutusan ni Jehova ang kaniyang bayan na ‘pighatiin ang kanilang mga kaluluwa’ sa Araw ng Pagbabayad-Sala, isang araw ng “banal na kombensiyon.” Nangangahulugan ito na dapat silang mag-ayuno, kilalanin at ipagtapat ang kanilang mga kasalanan, at makadama ng makadiyos na kalumbayan dahil sa mga iyon. (Lev 16:29-31; 23:26-32) Ngunit ang araw na banal kay Jehova ay hindi dapat maging araw ng pagtangis at kalungkutan para sa kaniyang bayan. Sa halip, ang mga araw na iyon ay dapat maging mga araw ng kasayahan at ng pagpuri kay Jehova dahil sa kaniyang kamangha-manghang mga paglalaan sa pamamagitan ng kaniyang maibiging-kabaitan.—Ne 8:9-12.
-