Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pag-iisip
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang mga lingkod ni Jehova ay inuutusang ‘lubos na magkaisa sa iisang pag-iisip at sa iisang takbo ng kaisipan.’ (1Co 1:10; Fil 2:2; 1Pe 3:8) Sabihin pa, nangangahulugan ito ng pagkakaisa sa mga bagay na may kinalaman sa dalisay na pagsamba, ang mahahalagang bagay, at hindi sa indibiduwal na mga kagustuhan o sa maliliit na bagay na malulutas kapag naabot na ang pagkamaygulang. (Ro 14:2-6, 17) Dapat silang “magkaroon ng magkatulad na kaisipan sa Panginoon” (Fil 4:2), at huwag magtalu-talo, kundi “mag-isip nang magkakasuwato.”​—2Co 13:11.

  • Pag-iisip
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • “Ang diyos ng sistemang ito ng mga bagay,” ang Diyablo, ang may-pananagutan sa pagbulag sa mga pag-iisip ng mga di-sumasampalataya upang hindi makatagos ang kaliwanagan ng mabuting balita tungkol sa Kristo. (2Co 4:4) Kung gayon, may panganib na madaya ng pangunahing kaaway na ito ng Diyos ang mga Kristiyano sa pamamagitan ng kaniyang katusuhan, upang pasamain ang kanilang mga pag-iisip palayo “sa kataimtiman at sa kalinisan na nauukol sa Kristo.” (2Co 11:3) Kaya naman ang mga Kristiyano ay kailangang magpakita ng pagkakaisa ng pag-iisip at pagkamakatuwiran, anupat patuloy na nananalangin, upang ang kapayapaan ng Diyos “na nakahihigit sa lahat ng kaisipan” ay magbantay sa kanilang mga kakayahang pangkaisipan sa pamamagitan ni Kristo Jesus.​—Fil 4:2, 5-7.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share