-
SaraKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Bagaman matanda na, si Sara ay napakaganda pa rin. Dahil dito, patiunang hiniling ni Abraham na ipakilala siya ni Sara bilang kaniyang kapatid kailanma’t hinihiling ng pagkakataon, dahil baka patayin siya ng iba at pagkatapos ay kunin si Sara. (Gen 20:13) Sa Ehipto, naging dahilan ito upang dalhin si Sara sa sambahayan ni Paraon sa rekomendasyon ng kaniyang mga prinsipe. Ngunit namagitan ang Diyos at hinadlangan si Paraon upang hindi nito halayin si Sara. Pagkatapos ay isinauli ni Paraon si Sara kay Abraham at hiniling na lisanin nila ang lupain. Pinasamahan din sila ni Paraon sa kaniyang mga tauhan upang si Abraham at ang kaniyang mga pag-aari ay maingatang ligtas.—Gen 12:11-20.
Inilalahad sa isang sinaunang papiro ang tungkol sa isang Paraon na nag-utos sa mga nasasandatahang lalaki na kunin ang isang kaakit-akit na babae at patayin ang kaniyang asawa. Kaya ang pangamba ni Abraham na baka patayin siya dahil kay Sara ay may batayan. Sa halip na isapanganib ang kaniyang buhay sa pagsisikap na ingatan ang dangal ng kaniyang asawa sa isang banyagang lupain, sinunod ni Abraham ang sa wari niya ay siyang pinakaligtas na landasin. Dapat tandaan na si Abraham ang may-ari ng kaniyang asawa. Maligaya si Sara na maglingkod kay Jehova at kay Abraham sa ganitong paraan. Hindi kailanman hinatulan ng Kasulatan si Abraham sa paggawa niya nito.
-
-
SaraKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Si Sara at ang kaniyang asawa ay nagsimulang manirahan sa Gerar. Gaya ng dati, ipinakilala ni Abraham ang kaniyang asawa bilang kaniyang kapatid. Sa gayon ay kinuha si Sara ng hari ng Gerar, si Abimelec. Muling namagitan si Jehova at iniligtas siya upang hindi siya halayin. Nang ibalik ni Abimelec si Sara kay Abraham, binigyan nito si Abraham ng mga hayop at mga lingkod na lalaki at babae, marahil ay bilang kabayaran dahil pansamantalang nawala sa kaniya ang kaniyang asawa. Binigyan din ni Abimelec si Abraham ng isang libong pirasong pilak (mga $2,200). Ang mga pirasong pilak na ito ang katibayan na si Sara ay malinis mula sa lahat ng kadustaan laban sa kaniya bilang isang babaing may moral.—Gen 20.
-