Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sumpa
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Kung minsan, ang mga lingkod ng Diyos ay inuutusan ng isa na may awtoridad na manumpang magsasabi sila ng totoo, at tinutupad naman nila iyon. Sa katulad na paraan, ang isang Kristiyanong nasa ilalim ng panunumpa ay hindi magsisinungaling kundi magsasabi ng buong katotohanan na hinihiling sa kaniya, o maaaring tumanggi siyang sumagot kung manganganib ang matuwid na mga interes ng Diyos o ng mga kapuwa Kristiyano, bagaman dapat na handa siyang pagdusahan ang anumang ibubunga ng pagtanggi niyang magsalita.​—1Ha 22:15-18; Mat 26:63, 64; 27:11-14.

  • Sumpa
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sa kaniyang Sermon sa Bundok, itinuwid ni Jesu-Kristo ang mga Judio sa kanilang di-seryoso, padalus-dalos, at walang-ingat na paggawa ng mga sumpa. Naging pangkaraniwan na lamang sa kanila na ipanumpa ang langit, ang lupa, ang Jerusalem, at maging ang kanilang sariling ulo. Ngunit yamang ang langit ay “trono ng Diyos,” ang lupa ay “tuntungan” niya, ang Jerusalem ay kaniyang maharlikang lunsod, at ang ulo (o buhay) ng isa ay nakadepende sa Diyos, ang paggawa ng gayong mga sumpa ay katumbas ng panunumpa sa pangalan ng Diyos. Hindi iyon dapat gawing biru-biro. Kaya sinabi ni Jesus: “Ang inyo lamang salitang Oo ay mangahulugang Oo, ang inyong Hindi, Hindi; sapagkat ang lumabis sa mga ito ay mula sa isa na balakyot.”​—Mat 5:33-37.

      Hindi naman ipinagbabawal ni Jesu-Kristo ang lahat ng panunumpa, sapagkat siya mismo ay nasa ilalim ng Kautusang Mosaiko, na humihiling ng panunumpa sa ilang situwasyon. Sa katunayan, nang panumpain si Jesus ng mataas na saserdote noong nililitis siya, hindi niya iyon tinutulan kundi sumagot pa nga siya. (Mat 26:63, 64) Kaya ipinakikita lamang ng pananalita ni Jesus na ang isang tao ay hindi dapat magkaroon ng dalawang pamantayan. Dapat niyang ituring na sagradong tungkulin ang pagtupad sa kaniyang binitiwang salita at dapat niyang tuparin iyon gaya ng pagtupad sa isang sumpa; dapat siyang maging taimtim sa kaniyang sinabi. Higit pang nilinaw ni Jesus ang kahulugan ng kaniyang pananalita nang ilantad niya ang pagpapaimbabaw ng mga eskriba at mga Pariseo sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila: “Sa aba ninyo, mga bulag na tagaakay, na nagsasabi, ‘Kung ipanumpa ng sinuman ang templo, ito ay walang anuman; ngunit kung ipanumpa ng sinuman ang ginto ng templo, siya ay mananagot.’ Mga mangmang at mga bulag! Alin, sa katunayan, ang mas dakila, ang ginto o ang templo na nagpabanal sa ginto?” Sinabi pa niya: “Siya na ipinanunumpa ang langit ay ipinanunumpa ang trono ng Diyos at yaong nakaupo rito.”​—Mat 23:16-22.

      Gaya ng itinawag-pansin ni Jesus, sa pamamagitan ng kanilang maling pangangatuwiran at tusong argumento, ipinagmatuwid ng mga eskriba at mga Pariseo ang hindi nila pagtupad sa ilang sumpa, ngunit ipinakita ni Jesus na sa kanilang panunumpa, hindi sila nagiging matapat sa Diyos at sa katunayan ay dinudusta nila ang Kaniyang pangalan (sapagkat ang mga Judio ay isang bayang nakaalay kay Jehova). Malinaw na sinabi ni Jehova na kinapopootan niya ang bulaang sumpa.​—Zac 8:17.

      Sinuportahan ni Santiago ang sinabi ni Jesus. (San 5:12) Ngunit ang mga pananalitang ito nina Jesus at Santiago laban sa gayong walang-ingat na panunumpa ay hindi nagbabawal sa isang Kristiyano na manumpa kung kinakailangan niyang bigyang-katiyakan ang iba na seryoso ang kaniyang intensiyon o na totoo ang sinasabi niya. Halimbawa, gaya ng parisang ipinakita ni Jesus noong nasa harap siya ng Judiong mataas na saserdote, ang isang Kristiyano ay hindi tatangging manumpa sa hukuman, sapagkat talagang magsasabi siya ng katotohanan nasa ilalim man siya ng sumpa o hindi. (Mat 26:63, 64) Maging ang pasiya ng isang Kristiyano na maglingkod sa Diyos ay isang panunumpa kay Jehova, anupat inilalagay nito ang Kristiyano sa isang sagradong kaugnayan. Pinagsama ni Jesus sa iisang kategorya ang pagsumpa at ang pananata.​—Mat 5:33.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share