Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Manuskrito ng Bibliya, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang unang inimprentang edisyon ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ay yaong lumitaw sa Complutensian Polyglott (sa Griego at Latin) ng 1514-1517. Pagkatapos, noong 1516, inilathala ng iskolar na Olandes na si Desiderius Erasmus ang kaniyang unang edisyon ng isang Griegong master text ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Marami itong mali, ngunit pinahusay ang teksto nito sa apat na sunud-sunod na edisyon mula 1519 hanggang 1535. Nang maglaon, ang tagapaglimbag at patnugot na taga-Paris na si Robert Estienne, o Stephanus, ay naglabas ng ilang edisyon ng Griegong “Bagong Tipan,” na pangunahin nang ibinatay sa teksto ni Erasmus, ngunit may kalakip na mga pagwawasto batay sa Complutensian Polyglott at sa 15 mas huling manuskrito. Ang ikatlong edisyon ng tekstong Griego ni Stephanus (inilabas noong 1550), sa diwa, ang naging “Received Text” (tinawag na textus receptus sa Latin), na ginamit para sa maraming maagang bersiyon sa Ingles, kabilang na ang King James Version ng 1611.

      Ang isang natatanging teksto nitong nakalipas na mga panahon ay ang Griegong master text na inihanda ni J. J. Griesbach, na gumamit ng mga materyal na tinipon ng iba ngunit nagbigay-pansin din sa mga pagsipi sa Bibliya ng sinaunang mga manunulat na gaya ni Origen. Bukod pa riyan, pinag-aralan ni Griesbach ang teksto ng iba’t ibang bersiyon, gaya ng Armeniano, Gothic, at Philoxenian. Sa kaniyang pangmalas, ang umiiral na mga manuskrito ay bumubuo ng tatlong pamilya, o grupo, ang Byzantine, Western, at Alexandrian, anupat mas pabor siya sa mga teksto ng huling nabanggit. Inilabas ang mga edisyon ng kaniyang Griegong master text sa pagitan ng 1774 at 1806, at inilathala naman ang kaniyang pangunahing edisyon ng buong tekstong Griego noong 1796-1806. Ang teksto ni Griesbach ang ginamit para sa saling Ingles ni Sharpe noong 1840 at ito rin ang tekstong Griego na inilimbag sa The Emphatic Diaglott, ni Benjamin Wilson, noong 1864.

      Ang isang Griegong master text ng Kristiyanong Griegong Kasulatan na malawakang tinanggap ay yaong ginawa noong 1881 ng mga iskolar ng Cambridge University na sina B. F. Westcott at F. J. A. Hort. Ito ay resulta ng 28-taóng independiyenteng pagpapagal, bagaman regular silang nagsasanggunian. Tulad ni Griesbach, hinati-hati nila ang mga manuskrito ayon sa mga pamilya o grupo at pangunahin nilang sinangguni ang tinagurian nilang “neutral text,” kabilang na rito ang bantog na Sinaitic Manuscript at ang Vatican Manuscript No. 1209, parehong mula noong ikaapat na siglo C.E. Bagaman kumbinsido na sina Westcott at Hort kapag ang mga manuskritong ito ay magkasuwato at lalo na kapag sinusuportahan ang mga ito ng iba pang mga manuskritong uncial, hindi pa rin sila nakontento sa gayong pangmalas. Isinaalang-alang nila ang bawat posibleng salik upang malutas ang mga problemang dulot ng nagkakasalungatang mga teksto; at kapag parehong makatuwiran ang dalawang teksto, ipinakikita rin nila iyon sa kanilang master text. Ang teksto nina Westcott at Hort ang pangunahing ginamit sa pagsasalin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan tungo sa Ingles sa New World Translation. Gayunman, kinonsulta rin ng New World Bible Translation Committee ang iba pang mahuhusay na tekstong Griego, gaya ng tekstong Griego ni Nestle (1948).

  • Manuskrito ng Bibliya, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Mula nang ilabas nina Westcott at Hort ang kanilang pinahusay na tekstong Griego, maraming mapanuring edisyon ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang inilabas. Natatangi sa mga ito ang The Greek New Testament na inilathala ng United Bible Societies at nasa ikatlong edisyon na ngayon. Ang pananalita rito ay katulad na katulad niyaong sa ika-26 na edisyon ng tinatawag na tekstong Nestle-Aland, na inilathala noong 1979 sa Stuttgart, Alemanya.​—Tingnan ang KRISTIYANONG GRIEGONG KASULATAN.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share