-
Kasulatan, IKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ginamit ni Kristo at ng mga Apostol. Madalas gamitin ni Jesu-Kristo at ng mga manunulat ng Kristiyanong Kasulatan ang salitang gra·pheʹ upang tukuyin ang mga akda ni Moises at ng mga propeta bilang awtoridad nila sa kanilang pagtuturo o sa kanilang gawain, sa dahilang ang mga akdang ito ay kinasihan ng Diyos. Kalimitan, ang Hebreong mga akdang ito ay tinutukoy sa kabuuan bilang “Kasulatan.” (Mat 21:42; 22:29; Mar 14:49; Ju 5:39; Gaw 17:11; 18:24, 28) Kung minsan, ang salitang “Kasulatan” ay ginagamit sa diwang pang-isahan kapag isang partikular na teksto ang sinisipi, anupat tinutukoy iyon bilang bahagi ng buong kalipunan ng mga akda sa Hebreong Kasulatan. (Ro 9:17; Gal 3:8) Gayundin, maaaring tukuyin ang iisang teksto bilang isang “kasulatan,” sa diwa na ito’y isang mapanghahawakang pananalita. (Mar 12:10; Luc 4:21; Ju 19:24, 36, 37)
-
-
Kasulatan, IKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Binigyang-Katauhan. Yamang ang Kasulatan ay kinilala bilang kinasihan ng Diyos, bilang kaniyang Salita, ang tinig ng Diyos—sa diwa ay nagsasalita ang Diyos—kung minsan ay binibigyang-katauhan ito na para bang nagsasalita taglay ang awtoridad ng Diyos (kung paanong ang banal na espiritu, o aktibong puwersa, ng Diyos ay binigyang-katauhan ni Jesus, at tinukoy na nagtuturo at nagpapatotoo [Ju 14:26; 15:26]). (Ju 7:42; 19:37; Ro 4:3; 9:17) Sa gayunding kadahilanan, ang Kasulatan ay tinutukoy na para bang nagtataglay ng malayong pananaw at ng kakayahang mangaral.—Gal 3:8; ihambing ang Mat 11:13; Gal 3:22.
-