Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ehipto, Ehipsiyo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • “Yugto ng mga Hyksos.” Ipinapalagay ng maraming komentarista na ang pagpasok ni Jose sa Ehipto, gayundin ng kaniyang ama at pamilya, ay naganap sa tinatawag ng karamihan na Yugto ng mga Hyksos. Gayunman, gaya ng komento ni Merrill Unger (Archaeology and the Old Testament, 1964, p. 134): “Nakalulungkot na napakalabo [ng yugtong ito] may kaugnayan sa Ehipto, at talagang hindi gaanong nauunawaan ang pananakop ng mga Hyksos.”

      Ipinapalagay ng ilang iskolar na ang mga Hyksos ay umiral noong “Ikalabintatlo hanggang Ikalabimpitong Dinastiya” at namahala nang 200 taon; inaakala naman ng iba na namahala sila noong “Ikalabinlima at Ikalabing-anim na Dinastiya” sa loob ng isang siglo at kalahati o isang siglo lamang. Sinasabi ng ilan na ang pangalang Hyksos ay nangangahulugang “Mga Haring Pastol,” ngunit ayon naman sa iba ay “Mga Tagapamahala ng mga Bansang Banyaga.” Ang mga palagay tungkol sa kanilang lahi o nasyonalidad ay lalo nang nagkakaiba-iba, anupat may nagsasabi na sila’y mga Indo-Europeo mula sa Caucasus o sa Gitnang Asia, mga Hiteo, mga tagapamahalang Siryano-Palestino (mga Canaanita o mga Amorita), o mga tribong Arabe.

      Inilalarawan ng ilang arkeologo ang “pananakop ng mga Hyksos” sa Ehipto bilang ang pagdagsa ng mga pulutong na taga-hilaga sa Palestina at Ehipto sakay ng mabibilis na karo, samantalang tinutukoy naman ito ng iba bilang ang di-namamalayang pananakop ng mga taong nandarayuhan o pagala-gala na nanupil sa bansa nang unti-unti o nagpuno sa umiiral na pamahalaan sa pamamagitan ng isang mabilis na kudeta. Sa aklat na The World of the Past (Bahagi V, 1963, p. 444), ang arkeologong si Jacquetta Hawkes ay nagsabi: “Hindi na ipinapalagay na ang mga tagapamahalang Hyksos . . . ay kumakatawan sa pagsalakay ng isang nanlulupig na pulutong ng mga taga-Asia. Ang pangalang ito ay waring nangangahulugang Mga Tagapamahala ng Matataas na Lupain, at sila ay pagala-galang mga pangkat ng mga Semita na matagal nang pumaroon sa Ehipto para sa pakikipagkalakalan at iba pang mapayapang layunin.” Bagaman maaaring ito ang kasalukuyang pangmalas ng karamihan, hindi pa rin maipaliwanag kung paano masasakop ng gayong “pagala-galang mga pangkat” ang lupain ng Ehipto, lalo na yamang itinuturing na ang bansa ay naging napakamakapangyarihan noong “Ikalabindalawang Dinastiya,” bago ang Yugto ng mga Hyksos.

  • Ehipto, Ehipsiyo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • May kaugnayan sa yugtong ito sa kasaysayan ng Ehipto, si C. E. DeVries ay nagsabi: “Sa pagtatangkang itugma ang sekular na kasaysayan sa biblikal na datos, sinisikap ng ilang iskolar na pag-ugnayin ang pagpapalayas sa mga Hyksos mula sa Ehipto at ang Pag-alis ng mga Israelita, ngunit hindi posible ang pag-uugnay na ito batay sa kronolohiya, at dahil sa iba pa ring mga salik ay mabuway ang palagay na ito. . . . Hindi matiyak ang pinagmulan ng mga Hyksos; sila ay nanggaling sa isang lugar sa Asia at ang karamihan sa kanila ay may pangalang Semitiko.”​—The International Standard Bible Encyclopedia, inedit ni G. Bromiley, 1982, Tomo 2, p. 787.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share