Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Talaangkanan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang Layunin ng mga Rekord ng Talaangkanan. Bukod pa sa likas na hilig ng tao na mag-ingat ng rekord ng kapanganakan at mga kaugnayan, ang talaangkanan ay mahalaga sa kronolohiya, lalo na sa pinakamaagang bahagi ng kasaysayan ng sangkatauhan.

  • Talaangkanan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Kung tungkol sa kronolohiya, karaniwan na, ang mga talaan ng angkan ay hindi naman nilayong maglaan ng kumpletong impormasyon. Gayunpaman, kadalasang nakatutulong ang mga ito sa kronolohiya sapagkat maaaring masuri batay sa mga ito ang ilang bahagi ng kronolohiya o nakapagbibigay ang mga ito ng ilang mahahalagang detalye.

  • Talaangkanan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Mula kay Adan Hanggang sa Baha. Ipinakikita ng Bibliya na mayroon nang mga talaan ng mga kaugnayang pampamilya mula pa noong pasimula ng sangkatauhan. Nang isilang ang anak ni Adan na si Set, sinabi ni Eva: “Ang Diyos ay naglaan sa akin ng isa pang binhi bilang kahalili ni Abel, sapagkat pinatay siya ni Cain.” (Gen 4:25) Nakaligtas sa Baha ang ilang kinatawan ng linyang nagsimula kay Set.​—Gen 5:3-29, 32; 8:18; 1Pe 3:19, 20.

      Mula sa Baha Hanggang kay Abraham. Sa linya ng anak ni Noe na si Sem, na tumanggap ng pagpapala ni Noe, nagmula si Abram (Abraham), ang “kaibigan ni Jehova.” (San 2:23) Ang talaangkanang ito, lakip ang nabanggit na talaangkanan bago ang Baha, ang tanging paraan upang maitatag ang kronolohiya ng kasaysayan ng tao hanggang kay Abraham. Sa talaan bago ang Baha, tinatalunton ng rekord ang linya ni Set, at sa talaan pagkaraan ng Baha, ang linya naman ni Sem. Palagi nitong sinasabi ang panahong lumipas mula sa kapanganakan ng isang tao hanggang sa kapanganakan ng kaniyang anak. (Gen 11:10-24, 32; 12:4) Wala nang ibang malalawak na talaan ng angkan na sumasaklaw sa yugtong ito ng kasaysayan​—isang pahiwatig na ang mga talaang ito ay nagsisilbi kapuwa bilang talaangkanan at kronolohiya. Sa ilang mga kaso, maitatakda ang espesipikong mga pangyayari sa agos ng panahon sa pamamagitan ng paggamit ng impormasyong pantalaangkanan.​—Tingnan ang KRONOLOHIYA (Mula 2370 B.C.E. hanggang sa tipan kay Abraham).

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share