-
Paglalang, NilalangKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Sa buong Kasulatan, ipinakikilala ang Diyos na Jehova bilang Maylalang. Siya ang “Maylalang ng langit, . . . Tagapag-anyo ng lupa at Maylikha nito.” (Isa 45:18)
-
-
Paglalang, NilalangKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Bagaman si Jehova, na isang Espiritu (Ju 4:24; 2Co 3:17), ay umiiral na mula’t sapol, hindi ganiyan ang materyang bumubuo sa sansinukob. Samakatuwid, nang lalangin niya ang literal na langit at lupa, hindi gumamit si Jehova ng materyal na dati nang umiiral. Nililinaw iyan ng Genesis 1:1, na nagsasabi: “Nang pasimula ay nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa.” Kung dati nang umiiral ang materya, hindi wastong gamitin ang terminong “pasimula” para sa materyal na mga bagay.
-
-
Paglalang, NilalangKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Angkop ang pagkakasabi ng Awit 33:6: “Sa pamamagitan ng salita ni Jehova ay nalikha ang langit, at ang buong hukbo nila ay sa pamamagitan ng espiritu ng kaniyang bibig.”
-
-
Paglalang, NilalangKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
At, yamang si Jehova ay “isang Diyos, hindi ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan” (1Co 14:33), ang kaniyang gawang paglalang ay kakikitaan ng kaayusan at hindi ng kaguluhan o pagbabakasakali. Ipinaalaala ni Jehova kay Job na gumawa Siya ng espesipikong mga hakbang nang itatag Niya ang lupa at harangan ang dagat at ipinahiwatig Niya na may “mga batas ng langit.” (Job 38:1, 4-11, 31-33) Karagdagan pa, ang paglalang at iba pang mga gawa ng Diyos ay sakdal.—Deu 32:4; Ec 3:14.
Ang unang nilalang ng Diyos ay ang kaniyang “bugtong na Anak” (Ju 3:16), “ang pasimula ng paglalang ng Diyos.” (Apo 3:14) Ang isang ito, “ang panganay sa lahat ng nilalang,” ay ginamit ni Jehova nang lalangin niya ang lahat ng iba pang bagay, yaong mga nasa langit at yaong mga nasa lupa, “ang mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di-nakikita.” (Col 1:15-17) Ganito ang kinasihang patotoo ni Juan tungkol sa Anak na ito, ang Salita: “Ang lahat ng bagay ay umiral sa pamamagitan niya, at kung hiwalay sa kaniya ay walang isa mang bagay ang umiral.” Ipinakilala ng apostol ang Salita bilang si Jesu-Kristo, na naging laman. (Ju 1:1-4, 10, 14, 17) Bilang personipikasyon ng karunungan, ang Isang ito ay inilalarawang nagsasabi, “Ginawa ako ni Jehova bilang ang pasimula ng kaniyang lakad,” at sinasabi niya na kasama siya noon ng Diyos na Maylalang bilang “dalubhasang manggagawa” ni Jehova. (Kaw 8:12, 22-31) Dahil sa malapít na pagsasamahan ni Jehova at ng kaniyang bugtong na Anak sa gawaing paglalang at dahil ang Anak na iyon ang “larawan ng di-nakikitang Diyos” (Col 1:15; 2Co 4:4), maliwanag na kausap ni Jehova ang Kaniyang bugtong na Anak at dalubhasang manggagawa nang sabihin Niya, “Gawin natin ang tao ayon sa ating larawan.”—Gen 1:26.
-
-
Paglalang, NilalangKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Pagkatapos malikha ang makalangit na mga espiritung nilalang na ito, saka pa lamang ginawa, o pinairal, ang materyal na langit at lupa at ang lahat ng elemento. At, yamang si Jehova ang may pangunahing pananagutan sa lahat ng gawang paglalang na ito, sa kaniya iniuukol ang kapurihan para rito.—Ne 9:6; Aw 136:1, 5-9.
Nang sabihin nitong, “Nang pasimula ay nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa” (Gen 1:1), hindi tiniyak ng Kasulatan kung aling panahon ang tinutukoy nito. Kaya naman hindi mapupulaan ang paggamit dito ng terminong “pasimula,” anumang edad ang tinataya ng mga siyentipiko para sa makalupang globo at sa iba’t ibang planeta at iba pang mga bagay sa kalangitan. Posibleng bilyun-bilyong taon na ang nakararaan mula nang aktuwal na lalangin ang materyal na langit at lupa.
-