-
Bet-horonKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
BET-HORON
Ang Mataas na Bet-horon at Mababang Bet-horon ay dalawang bayan na nasa isang estratehikong lokasyon sa sinaunang ruta na nagmumula sa Jope at sa tabing-dagat na kapatagan, paahon sa Libis ng Aijalon patungo sa Bethel o patungo sa Gibeon at Jerusalem. Sa ngayon, dalawang makabagong nayon ang matatagpuan sa mga lugar na ito, ang mataas: Beit ʽUr el Fauqa (Bet Horon ʽElyon) at ang mababa: Beit ʽUr et Tahta (Bet Horon Tahton). Sa gayon, ang Mataas na Bet-horon ay mga 16 na km (10 mi) sa HK ng Jerusalem, at ang Mababang Bet-horon naman ay 2.5 km (1.5 mi) sa KHK ng Mataas na Bet-horon, anupat ang dalawang lugar ay nasa taluktok ng mga burol.
-
-
Bet-horonKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Palibhasa’y nasa pangunahing ruta mula sa tabing-dagat na kapatagan paahon sa maburol na lupain, ang mga bayang ito ay malimit madaanan ng nagdidigmaang mga hukbo. Noong panahon ng pananakop ng Israel, tinalo ni Josue ang limang Amoritang hari na nagsama-sama upang makipagdigma laban sa Gibeon, anupat “tinugis sila sa daan ng sampahan ng Bet-horon.” Dito ay nagpabagsak si Jehova ng malalaking batong graniso upang puksain ang marami sa mga Amorita habang tumatakas ang mga ito sa kahabaan ng “dakong palusong sa Bet-horon.” (Jos 10:6-12) Ipinapalagay ng ilan na ang “dakong palusong sa Bet-horon” ay tumutukoy sa dakong palusong mula sa Mataas na Bet-horon hanggang sa Mababang Bet-horon, anupat mga 240 m (800 piye) ang pagkakaiba sa altitud ng dalawang lugar.
Nang maglaon, noong panahon ng paghahari ni Haring Saul, ang “daan ng Bet-horon” ay isa sa tatlong ruta na dinaanan ng mga mananamsam na pangkat ng mga Filisteo na lumulusob mula sa Micmash. (1Sa 13:16-18)
-