Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jerusalem
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Arkeolohikal na Pagsasaliksik. Bagaman marami nang ginawang pagsasaliksik at paghuhukay, iilang bagay pa lamang ang natitiyak tungkol sa lunsod na umiral noong panahon ng Bibliya. Dahil sa iba’t ibang salik, nalimitahan ang pagsasaliksik o kaya’y hindi ito gaanong naging kapaki-pakinabang. Halos walang patlang ang paninirahan ng mga tao sa Jerusalem nitong Karaniwang Panahon, anupat iilang lugar na lamang ang maaaring hukayin. Gayundin, maraming beses na winasak ang lunsod, anupat ang mga bagong lunsod ay itinayo sa ibabaw ng mga guho at kadalasa’y itinayo ang mga ito gamit ang mga materyales mula sa mga guhong iyon. Ang sinaunang kaanyuan ng lupain ay natabunan ng patung-patong na mga labí at kaguhuan, na sa ilang dako ay may kapal na mga 30 m (100 piye), kung kaya hindi matiyak ang interpretasyon sa nahukay na katibayan. Nakahukay roon ng mga seksiyon ng pader, mga tipunang-tubig, mga paagusan ng tubig, at mga sinaunang libingan, ngunit kaunting-kaunti lamang ang nahukay na nakasulat na materyal. Ang pangunahing mga tuklas sa arkeolohiya ay nanggaling sa TS burol, na ngayon ay nasa labas na ng mga pader ng lunsod.

      Samakatuwid, ang pangunahin pa ring mapagkukunan ng impormasyon may kinalaman sa sinaunang lunsod ay ang Bibliya at ang paglalarawang ibinigay ng Judiong istoryador na si Josephus tungkol sa unang-siglong lunsod.

  • Jerusalem
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Kabilang sa Amarna Tablets, na ang marami ay isinulat ng mga tagapamahalang Canaanita sa kanilang Ehipsiyong punong-panginoon, ang maraming liham mula sa hari o gobernador ng Jerusalem (Urusalim). Pinaniniwalaan na ipinadala niya ang mga liham niya noong panahon ng pamamahala ni Paraon Akhenaton. Kahit nakasulat ito sa wikang Akkadiano, naglalaman ito ng maraming salita at panlaping Canaanita. Sa mga liham, inilarawan ang Jerusalem bilang isang kahariang-lunsod na nahihirapang panatilihin ang kontrol nito sa nakapalibot na rehiyon.

  • Jerusalem
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Mula nang matuklasan ang paagusan at daanan patungo sa bukal ng Gihon, ipinalagay ng karamihan na umakyat si Joab at ang kaniyang mga tauhan sa patindig na daanang ito, pagkatapos ay dumaan sa nakahilig na paagusan, pumasok sa lunsod at biglang sumalakay. (LARAWAN, Tomo 2, p. 951)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share