-
Pagpaparehistro, PagrerehistroKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ipinakikita ng ulat sa aklat ng Mga Bilang na ang mga panganay na lalaki mula sa 12 tribo ay binilang din, at pati ang lahat ng lalaking Levita, mula sa gulang na isang buwan pataas. (Bil 3:14, 15) Ito’y sapagkat binili ni Jehova ang mga panganay bilang kaniyang pag-aari nang iligtas niya sila mula sa pagkapuksa ng mga panganay sa Ehipto. Ngayon ay nais niyang gamitin ang mga Levita bilang mga pantanging pinabanal niya para sa paglilingkod sa santuwaryo. Kaya, kailangang ibigay ng Israel kay Jehova ang mga Levita upang matubos ang mga panganay ng ibang tribo. Makikita sa kinalabasan ng pagbilang na noon ay may 22,000 lalaking Levita at 22,273 panganay na di-Levita. (Bil 3:11-13, 39-43) Upang matubos ang 273 panganay na lumabis kaysa sa mga Levita, kinailangang magbayad sa santuwaryo ng limang siklo ($11) para sa bawat isa.—Bil 3:44-51.
Binilang din noon ang mga Kohatita, mga Gersonita, at mga Merarita na ang edad ay nasa pagitan ng 30 at 50 taon. Binigyan ang mga ito ng pantanging mga atas ng paglilingkod sa santuwaryo.—Bil 4:34-49.
-
-
Pagpaparehistro, PagrerehistroKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang bilang naman ng mga Levita mula sa gulang na isang buwan pataas ay umabot ng 23,000, o mas mataas nang 1,000 kaysa sa unang sensus.—Bil 26:57, 62.
-