-
Kapistahan ng Pag-aalayKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Sa panahon ng kapistahan, napakaliwanag ng mga looban ng templo dahil sa mga ilawan, at pinagliliwanag ng mga palamuting lampara ang lahat ng pribadong tahanan. Tinutukoy ito ng Talmud bilang ang “Kapistahan ng Liwanag.” Nang maglaon, naging kaugalian ng ilan na magdispley ng walong lampara sa unang gabi at bawasan ito ng isa bawat gabi, samantalang ang iba naman ay nag-uumpisa sa isang lampara at dinaragdagan ito hanggang sa maging walo. Inilalagay ang mga lampara malapit sa mga pinto na nakaharap sa lansangan hindi lamang upang matanglawan ang loob ng bahay kundi upang makita rin ng lahat ng nasa labas ang liwanag. Ang pagsisindi sa mga lampara ay sinasabayan ng pag-awit ng mga awiting pumupuri sa Diyos na Tagapagligtas ng Israel. Ganito ang sinabi ni Josephus hinggil sa kung paano nagsimula ang kapistahang ito: “Gayon na lamang ang tuwa nila nang maisauli ang kanilang mga kaugalian at matamo nila nang di-inaasahan ang kanilang karapatang magsagawa ng sariling relihiyosong paglilingkod pagkatapos ng napakahabang panahon, kung kaya gumawa sila ng isang kautusan na dapat ipagdiwang ng kanilang mga inapo ang pagsasauli ng paglilingkod sa templo sa loob ng walong araw. At mula noon hanggang sa kasalukuyan ay idinaraos natin ang kapistahang ito, na tinatawag nating kapistahan ng mga Ilaw, anupat sa palagay ko, ibinigay natin dito ang pangalang iyon dahil natamo natin ang karapatang sumamba sa panahong halos hindi na natin ito inaasahan.” (Jewish Antiquities, XII, 324, 325 [vii, 7])
-
-
Kapistahan ng Pag-aalayKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Sa buong lupain ay nagtitipon sila sa kanilang mga sinagoga nang may awitan at pagsasaya, anupat nagdadala sila ng mga sanga ng mga punungkahoy, samantalang pinagliliwanag ng maraming ilaw ang mga sinagoga at mga pribadong tahanan. Ipinagdiriwang ng mga Judio ang kapistahang ito hanggang sa kasalukuyan.
-