Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jerusalem
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Nang itakda ang mga teritoryo ng mga tribo, ang Jerusalem ay nalagay sa hangganan sa pagitan ng Juda at Benjamin, anupat ang espesipikong hanggahan ay nasa kahabaan ng Libis ng Hinom. Dahil dito, ang dako na nang maglaon ay tinawag na “Lunsod ni David,” na nasa tagaytay sa pagitan ng mga libis ng Kidron at Tyropoeon, ay nasa loob ng teritoryo ng Benjamin.

  • Jerusalem
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Waring ang lunsod ng mga Jebusita noong panahong iyon ay nasa timugang dulo ng tagaytay sa silangan. Panatag sila na hindi mapapasok ang kanilang tanggulang lunsod, na ang likas na mga depensa ay matatarik na gilid ng mga libis sa tatlong panig at, malamang, matitibay na kuta sa hilaga. Nakilala ito bilang ang “dakong mahirap puntahan” (1Cr 11:7), at tinuya ng mga Jebusita si David na kayang harangin maging ng ‘mga bulag at mga pilay ng lunsod’ ang kaniyang pagsalakay. Ngunit nalupig ni David ang lunsod, anupat ang pagsalakay niya ay pinangunahan ni Joab, na maliwanag na dumaan sa “inaagusan ng tubig” upang makapasok sa lunsod. (2Sa 5:6-9; 1Cr 11:4-8) Hindi lubusang matiyak ng mga iskolar kung ano ang kahulugan ng terminong Hebreo na isinalin dito bilang “inaagusan ng tubig,” ngunit karaniwang tinatanggap nila ito o ang katulad na mga termino (“daanan ng tubig,” RS, AT; “alulod,” JP) bilang ang pinakaposibleng kahulugan. Hindi sinasabi ng maikling ulat na ito kung paano sinira ang mga depensa ng lunsod. Mula nang matuklasan ang paagusan at daanan patungo sa bukal ng Gihon, ipinalagay ng karamihan na umakyat si Joab at ang kaniyang mga tauhan sa patindig na daanang ito, pagkatapos ay dumaan sa nakahilig na paagusan, pumasok sa lunsod at biglang sumalakay. (LARAWAN, Tomo 2, p. 951) Anumang paraan ang ginamit nila, nabihag ang lunsod at doon inilipat ni David ang kaniyang kabisera (1070 B.C.E.). Mula noon, ang moog na ito ng mga Jebusita ay nakilala bilang ang “Lunsod ni David,” na tinawag ding “Sion.”​—2Sa 5:7.

      Pinasimulan ni David ang isang programa ng pagtatayo sa loob ng lugar na ito, at lumilitaw na pinahusay rin niya ang mga depensa ng lunsod. (2Sa 5:9-11; 1Cr 11:8) Ang “Gulod” (sa Heb., ham·Mil·lohʼʹ) na tinukoy rito (2Sa 5:9) at sa mas huling mga ulat (1Ha 9:15, 24; 11:27) ay isang heograpiko o istraktural na bahagi ng lunsod, na kilalang-kilala noon ngunit hindi na matukoy sa ngayon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share