Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paraiso
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Malamang na ang paraisong pamilyar na pamilyar sa salaring Judio na kinausap ni Jesus ay ang makalupang Paraiso na inilarawan sa unang aklat ng Hebreong Kasulatan, ang Paraiso ng Eden. Kung gayon nga, makatuwirang sabihin na ang pangako ni Jesus ay tumutukoy sa pagsasauli ng gayong malaparaisong kalagayan ng lupa. Kaya naman ang kaniyang pangako sa manggagawa ng kamalian ay nagbibigay ng tiyak na pag-asa ng pagkabuhay-muli ng gayong taong di-matuwid upang magkaroon siya ng pagkakataong mabuhay sa isinauling Paraisong iyon.​—Ihambing ang Gaw 24:15; Apo 20:12, 13; 21:1-5; Mat 6:10.

  • Paraiso
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Gayunman, maliwanag na kalakip sa mga hula ng pagsasauli na itinala ng mga propetang Hebreo ang mga elemento na magkakaroon din ng pisikal na katuparan sa isinauling makalupang Paraiso. Halimbawa, may ilang bahagi ng Isaias 35:1-7, gaya ng pagpapagaling sa bulag at sa pilay, na hindi nagkaroon ng literal na katuparan pagkatapos ng pagsasauli mula sa sinaunang Babilonya, ni natutupad man ang mga ito sa gayong paraan sa Kristiyanong espirituwal na paraiso. Hindi magiging makatuwiran na kasihan ng Diyos ang mga hulang gaya niyaong nasa Isaias 11:6-9, Ezekiel 34:25, at Oseas 2:18, kung ang intensiyon lamang niya ay magkaroon ang mga iyon ng makasagisag o espirituwal na kahulugan, anupat walang literal na katuparan ang mga bagay na ito sa pisikal na mga karanasan ng mga lingkod ng Diyos. Ang paraisong binanggit ni Pablo sa 2 Corinto 12:4 ay maaari ding tumukoy sa paraiso sa hinaharap, kapuwa pisikal at espirituwal, na katuparan ng mga hulang ito sa Hebreong Kasulatan, at posible ring isang pangitain tungkol sa “paraiso ng Diyos,” ang pinagpalang kalagayan sa langit.—Apo 2:7.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share