Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Dugo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang nagliligtas-buhay na dugo ni Kristo ay patiunang inilarawan sa Hebreong Kasulatan sa iba’t ibang paraan. Noong panahon ng unang Paskuwa, sa Ehipto, ang dugo sa itaas na bahagi ng pintuan at sa mga poste ng pinto ng mga bahay ng mga Israelita ay nagsanggalang sa panganay na nasa loob nito upang hindi ito mapatay ng anghel ng Diyos. (Exo 12:7, 22, 23; 1Co 5:7) Ang tipang Kautusan, na may makalarawang probisyon para sa pag-aalis ng kasalanan, ay binigyang-bisa sa pamamagitan ng dugo ng mga hayop. (Exo 24:5-8) Ang iba’t ibang paghahain ng dugo, lalo na yaong mga inihahandog sa Araw ng Pagbabayad-Sala, ay para sa makasagisag na pagbabayad-sala para sa kasalanan, anupat lumalarawan ang mga ito sa tunay na pag-aalis ng kasalanan sa pamamagitan ng hain ni Kristo.​—Lev 16:11, 15-18.

  • Dugo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Sa ilalim ng kaayusang Kristiyano, lalo pang idiniin ang kabanalan ng dugo. Hindi na kailangang maghandog pa ng dugo ng hayop, sapagkat ang gayong mga handog na hayop ay isang anino lamang ng katunayan, si Jesu-Kristo. (Col 2:17; Heb 10:1-4, 8-10) Noon ay kumukuha ang mataas na saserdote sa Israel ng kaunting dugo bilang sagisag at dinadala ito sa Kabanal-banalan ng makalupang santuwaryo. (Lev 16:14) Si Jesu-Kristo naman bilang ang tunay na Mataas na Saserdote ay pumasok sa langit mismo, hindi taglay ang kaniyang dugo, na ibinuhos sa lupa (Ju 19:34), kundi taglay ang halaga ng kaniyang sakdal na buhay-tao na kinakatawanan ng dugo. Hindi niya naiwala ang karapatang ito sa buhay sa pamamagitan ng pagkakasala, kundi napanatili niya ito at magagamit niya ito sa pagbabayad-sala para sa kasalanan. (Heb 7:26; 8:3; 9:11, 12)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share