Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tagapamagitan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Mga Pagkakatulad Bilang mga Tagapamagitan. Hinggil sa mga dinala sa bagong tipan, may masusumpungan tayong isang kalagayan na katulad niyaong sa sinaunang Israel. Makasalanan din ang mga Kristiyano. Yamang hindi aktuwal na nakapag-aalis ng mga kasalanan ang dugo ng mga hayop (Heb 10:4), isang mas mabuting hain ang kailangan. Si Jesu-Kristo ang mas mabuting haing iyon. (Heb 10:5-10) Ang bagay na ito ay ipinahayag ng manunulat ng Mga Hebreo sa ganitong paraan. Matapos banggitin ang mga haing inihahandog sa ilalim ng Kautusan, sinabi niya: “Gaano pa ngang higit na ang dugo ng Kristo . . . ay makapaglilinis ng ating mga budhi mula sa patay na mga gawa upang makapag-ukol tayo ng sagradong paglilingkod sa Diyos na buháy? Kaya iyan ang dahilan kung bakit siya ay isang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa gayon, dahil isang kamatayan ang naganap upang palayain sila sa pamamagitan ng pantubos mula sa mga pagsalansang sa ilalim ng naunang tipan, yaong mga tinawag ay tumanggap ng pangako ng walang-hanggang mana. Sapagkat kung saan may tipan, ang kamatayan ng taong nagpangyari ng tipan ay kailangang ilaan. Sapagkat ang isang tipan ay may bisa dahil sa patay na mga handog, yamang ito ay walang bisa samantalang buháy pa ang taong nagpangyari ng tipan.”​—Heb 9:11-17.

      Pagkatapos ay itinawag-pansin ni Pablo na hindi pinasinayaan nang walang dugo ang naunang tipan. Nang pangasiwaan ni Moises ang paggawa ng tipang iyon, inihandog niya ang mga hain at iwinisik niya ang dugo sa “aklat ng tipan.” (Heb 9:18-28) Sa gayunding paraan, si Jesu-Kristo, bilang Tagapamagitan ng Diyos para sa bagong tipan, ay naghandog ng kaniyang hain at pagkatapos ay humarap sa Diyos na Jehova taglay ang halaga ng kaniyang dugo. Ang tipang Kautusan ay ipinakipagtipan sa isang bansa, hindi sa mga indibiduwal (Exo 24:7, 8); gayundin naman, ang bagong tipan ay ipinakipagtipan sa “banal na bansa” ng Diyos, ang “Israel ng Diyos.”​—1Pe 2:9; Gal 6:15, 16.

  • Tagapamagitan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Pagpapasinaya ng Bagong Tipan. Pagkatapos na mamatay at buhaying-muli, si Jesus ay pumasok sa langit at humarap sa mismong persona ng Diyos upang iharap ang kaniyang handog, na ang mga kapakinabangan ay unang matatamo niyaong mga dinala sa bagong tipan. (Heb 9:24) Noon ay gumanap siya kapuwa bilang Mataas na Saserdote at Tagapamagitan. Kasuwato ng parisang sinunod noong pasinayaan ang tipang Kautusan, iniharap ni Jesu-Kristo ang halaga ng kaniyang hain sa harap ng Diyos sa langit (kung paanong iwinisik ni Moises ang dugo sa aklat ng Kautusan [sapagkat hindi personal na naroroon ang Diyos]). Pagkatapos, noong araw ng Pentecostes, 33 C.E., ibinuhos ni Jesus ang banal na espiritu mula sa Diyos sa mga unang dinala sa bagong tipan, na mga 120 katao. Nang maglaon noong araw ring iyon, humigit-kumulang sa 3,000, na mga Judio at mga proselita, ang naparagdag sa kongregasyon. (Gaw 1:15; 2:1-47; Heb 9:19) At kung paanong ang Kautusan ay binasa ni Moises sa bayan, malinaw ring ipinahayag ni Jesu-Kristo sa mga kabahagi sa bagong tipan ang mga kundisyon at mga kautusan niyaon.​—Exo 24:3-8; Heb 1:1, 2; Ju 13:34; 15:14; 1Ju 5:1-3.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share