Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Susan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • SUSAN

      Isang sinaunang lunsod, na ang mga guho ay nasa pagitan ng Ilog Karkheh at ng Ilog Ab-i-Diz sa S pampang ng Shaʽur, mga 350 km (220 mi) sa S ng Babilonya. May apat na pangunahing gulod sa dakong iyon. Ang makabagong nayon ng Shush ay nasa paanan ng mga dalisdis ng akropolis, ang pinakamahalaga sa mga gulod na iyon.

  • Susan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Noong ikaapat na siglo B.C.E., bumagsak ang Susan sa kamay ni Alejandrong Dakila at nang bandang huli ay humina na ito. Sa ngayon, isang bunton na lamang ng mga guho ang naroroon.

      Natuklasan ng mga arkeologo ang mga guho ng isang palasyo, inaakalang ang palasyong sinimulan ng Persianong si Haring Dario I at tinapos ng kaniyang anak na si Jerjes I (ipinapalagay na si Ahasuero, na asawa ni Esther). Ang mga entrepanyo ng may-kulay at pinakintab na mga laryo at ang mga batong kapital ay nagpapahiwatig ng dating kaluwalhatian nito. Isang inskripsiyon ni Dario I tungkol sa pagtatayo ng palasyo ang kababasahan: “Ito ang palasyong hadish na sa Susa ay aking itinayo. Mula sa malayo dinala ang mga palamuti nito. Hinukay ang lupa nang napakalalim, hanggang maabot ang kaila-ilaliman. Nang magawa ang paghuhukay, itinambak ang graba, ang isang bahagi ay animnapung piye, ang isa pa ay tatlumpung piye ang lalim. Sa ibabaw ng grabang iyon ay isang palasyo ang aking itinayo. At na ang lupa ay hinukay at ang graba ay itinambak at ang laryong putik ay binuo sa mga molde, iyan ang ginawa ng mga Babilonyo. Ang kahoy na sedro ay dinala mula sa isang bundok na pinanganlang Lebanon; dinala iyon ng mga Asiryano sa Babilonya, at mula sa Babilonya ay dinala iyon ng mga Cariano at mga Ioniano sa Susa. Ang kahoy ng tekla ay dinala mula sa Gandara at mula sa Carmania. Ang ginto na ginamit dito ay dinala mula sa Sardis at mula sa Bactria. Ang bato​—lapis lazuli at carnelian​—ay dinala mula sa Sogdiana. Ang turkesa ay dinala mula sa Chorasmia. Ang pilak at tanso ay dinala mula sa Ehipto. Ang palamuting nakagayak sa pader ay dinala mula sa Ionia. Ang garing ay dinala mula sa Etiopia, mula sa India, at mula sa Arachosia. Ang mga haliging bato ay dinala mula sa isang lugar na pinanganlang Abiradush sa Elam. Ang mga artisanong naghanda sa bato ay mga Ioniano at mga Sardiano. Ang mga panday na humubog sa ginto ay mga Medo at mga Ehipsiyo. Yaong mga gumawa sa mga kalupkop ay mga Sardiano at mga Ehipsiyo. Yaong mga gumawa (ng mga larawan) sa laryong hinurno ay mga Babilonyo. Ang mga lalaking nagpalamuti sa pader ay mga Medo at mga Ehipsiyo. Sa Susa narito ang isang marangyang gawain na ipinag-utos; napakarangya nga ng kinalabasan nito.”​—History of the Persian Empire, ni A. T. Olmstead, 1948, p. 168; tingnan ang ARKEOLOHIYA (Persia).

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share