Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Claudio Lisias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ipinahihiwatig ng kaniyang Griegong pangalang Lisias na ipinanganak siyang Griego. Natamo niya ang kaniyang pagkamamamayang Romano kapalit ng malaking halaga ng salapi, malamang na noong namamahala si Claudio, kung kaya, gaya ng kaugalian ng mga nagsisikap magkamit ng pagkamamamayan, ginamit niya ang pangalan ng kasalukuyang emperador. (Gaw 22:28; 23:26) Ayon sa Romanong istoryador na si Dio Cassius, noong maagang bahagi ng pamamahala ni Emperador Claudio, ang pagkamamamayang Romano ay kadalasang ipinagbibili kapalit ng malalaking halaga.​—Dio’s Roman History, LX, 17, 5, 6.

  • Claudio Lisias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Nang maiulat sa kaniya na si Pablo ay isang mamamayang Romano, at matapos niya itong tanungin nang personal, natakot si Claudio Lisias dahil nilabag niya ang mga karapatan ng isang Romano nang ipagapos niya si Pablo. (Gaw 22:25-29) Mauunawaan natin kung bakit agad niyang pinaniwalaan ang pag-aangkin ni Pablo na siya’y isang mamamayang Romano. Noon, napakaliit ng posibilidad na ang isang tao ay magpapanggap na siya’y isang mamamayang Romano, yamang ang gagawa nito ay mapapatawan ng kaparusahang kamatayan. Sinabi ng istoryador na si Suetonius: ‘Ipinagbawal ng emperador sa mga isinilang na banyaga ang paggamit ng mga pangalang Romano, lalo na yaong sa mga pamilyang Romano. Yaong mga ilegal na umangkin sa mga pribilehiyo ng pagkamamamayang Romano ay pinatay niya sa parang ng Esquiline.’​—The Lives of the Caesars, Claudius XXV, 3.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share