-
BaalKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Maliban sa maraming pagtukoy ng Kasulatan, kakaunti lamang ang nalalaman tungkol sa pagsamba kay Baal hanggang noong may mahukay sa Ugarit (ang makabagong Ras Shamra sa baybayin ng Sirya na katapat ng HS dulo ng pulo ng Ciprus) na maraming sinaunang relihiyosong kasangkapan at daan-daang tapyas na luwad. Ang marami sa sinaunang mga dokumentong ito, na kilala ngayon bilang ang mga teksto ng Ras Shamra, ay ipinapalagay na mga liturhiya o mga salitang binibigkas niyaong mga nakikibahagi sa mga ritwal sa panahon ng relihiyosong mga kapistahan.
Sa mga teksto ng Ras Shamra, si Baal (na tinatawag ding Aliyan [ang isa na nananaig] Baal) ay tinutukoy bilang “Zabul [Prinsipe], Panginoon ng Lupa” at “ang Nakasakay sa mga Ulap.” Kasuwato ito ng isang representasyon ni Baal, kung saan siya ay may hawak na isang pamalo o pambambo sa kaniyang kanang kamay at isang disenyo ng kidlat na may ulo ng sibat at may tumutubong halaman sa ibabaw nito sa kaniyang kaliwa. Inilalarawan din siya na nakasuot ng helmet na may mga sungay, anupat nagpapahiwatig ng malapit na kaugnayan sa toro, isang sagisag ng pagkapalaanakin.—LARAWAN, Tomo 1, p. 270.
-
-
BaalKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
May mga impormasyon na nagpapahiwatig na si Baal at ang iba pang mga diyos at mga diyosa ng mga Canaanita ay iniugnay ng kanilang mga mananamba sa partikular na mga bagay sa kalangitan. Halimbawa, ang isa sa mga teksto ng Ras Shamra ay may binabanggit na paghahandog kay “Reyna Shapash (ang Araw) at sa mga bituin,” at ang isa namang teksto ay may tinutukoy na “hukbo ng araw [sun] at pulutong ng araw [day].”
-