-
Diyos at Diyosa, MgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Mga Bathala ng Babilonya. Pagkamatay ni Nimrod, makatuwirang isipin na pagpipitaganan siya ng mga Babilonyo bilang ang tagapagtatag at tagapagtayo at unang hari ng kanilang lunsod at bilang ang organisador ng orihinal na Imperyo ng Babilonya. Ayon sa tradisyon, dumanas si Nimrod ng isang marahas na kamatayan. Yamang ang diyos na si Marduk (Merodac) ang itinuturing na tagapagtatag ng Babilonya, iminumungkahi ng ilan na si Marduk ay kumakatawan sa ginawang-diyos na si Nimrod. Gayunman, iba-iba ang opinyon ng mga iskolar kung tungkol sa pag-uugnay sa mga bathala sa espesipikong mga tao.
-
-
Diyos at Diyosa, MgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Naging prominente sa mga Babilonyo ang pagsamba sa mga bagay sa kalangitan (Isa 47:13), at ang iba’t ibang mga planeta ay iniugnay nila sa partikular na mga bathala. Ang planetang Jupiter ay iniugnay nila sa pangunahing diyos ng Babilonya, si Marduk;
-
-
Diyos at Diyosa, MgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ang mga lunsod ng sinaunang Babilonia ay nagkaroon ng kani-kanilang pantanging tagapag-ingat na bathala, na waring kagaya ng “mga patrong santo.”
-
-
Diyos at Diyosa, MgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
sa lunsod naman ng Babilonya ay si Marduk (Merodac). Sabihin pa, noong panahong italaga ni Hammurabi ang Babilonya bilang kabisera ng Babilonia, nadagdagan ang importansiya ni Marduk na paboritong diyos ng lunsod na iyon. Sa katapus-tapusan, ibinigay kay Marduk ang pagkakakilanlan ng mas naunang mga diyos at siya ang ipinalit sa mga ito sa mga Babilonyong mito. Noong bandang huli, ang kaniyang pangalang pantangi na “Marduk” ay napalitan ng titulong “Belu” (“May-ari”), anupat nang maglaon ay karaniwan na lamang siyang tinutukoy bilang si Bel. Ang kaniyang asawa naman ay tinatawag na Belit (kagaling-galingang “Among Babae”).—Tingnan ang BEL; NEBO Blg. 4.
-
-
Diyos at Diyosa, MgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Mayroon ding matitinding pagkakapootan sa gitna nila. Bilang paglalarawan: Determinado si Tiamat na puksain ang ibang mga diyos ngunit napanaigan siya ni Marduk, na humati kay Tiamat sa dalawang bahagi, anupat ang kalahati ay ginawa niyang kalangitan at ang kalahati ay ginamit niya may kaugnayan sa pagtatatag ng lupa.
-