-
CusKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
May iba pa rin na nagmumungkahi na ang “lupain ng Cus” na napalilibutan ng Gihon ay nasa Peninsula ng Arabia, yamang ang pangalang “Cusan” ay ginagamit bilang katumbas ng “lupain ng Midian” sa Habakuk 3:7, anupat ang Midian sa kabuuan ay nasa kapaligiran ng Gulpo ng ʽAqaba. Posibleng ang Arabeng “Cus” na iyon ang tinutukoy nang ang Midianitang asawa ni Moises na si Zipora ay tawaging isang “Cusita.”—Exo 18:1-5; Bil 12:1.
-
-
CusitaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ang terminong “Cusita” ay maaaring tumutukoy sa mga tumatahan sa lupain ng Cus sa Aprika o sa ilang pagkakataon ay maaaring kumakapit ito sa mga taong naninirahan sa Peninsula ng Arabia. Maliwanag na ang huling nabanggit na pagkakakilanlan ay kumakapit sa asawa ni Moises na si Zipora. (Exo 18:1-5; Bil 12:1) Si Zipora ay isang Kenita na hindi matiyak ang pinagmulang angkan. (Gen 15:18, 19; Huk 4:11) Ang pananalita sa 2 Cronica 21:16 na “nasa panig ng mga Etiope [mga Cusita]” na kumakapit sa ilang Arabe ay maaari ring mangahulugang “nasa ilalim ng kontrol ng mga Etiope,” at maaaring magpahiwatig ito ng isang saligan upang ikapit ang pangalang “Cusita” sa mga taong hindi nagmula kay Cus.
-