Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Papuri
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Si Haring David ang nag-organisa sa mga saserdote at mga Levita upang pumuri kay Jehova sa pamamagitan ng awit at musikang tugtugin. Ipinagpatuloy sa templong itinayo ni Solomon ang organisadong kaayusan na pinasimulan ni David, at sa loob ng maraming taon mula noon, mga saserdote at mga Levita ang nanguna sa pag-uukol ng papuri, anupat gumamit sila ng kinasihang mga komposisyon na naingatan hanggang sa ngayon sa aklat ng Mga Awit.​—1Cr 16:4-6; 23:2-5; 2Cr 8:14; tingnan ang MUSIKA.

  • Papuri
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sa gitna ng unang-siglong mga Kristiyano, ang kinasihang mga awit ay patuloy na ginamit sa pagpuri kay Jehova. Bukod diyan, lumilitaw na mayroon ding mga komposisyong Kristiyano noon​—“mga papuri sa Diyos,” o mga himno, at “espirituwal na mga awit,” o mga awit hinggil sa espirituwal na mga bagay. (Efe 5:19; Col 3:16) Gayunman, ang pagpuri ng mga Kristiyano ay hindi limitado sa mga awit. Naipamamalas din ito sa buhay ng isa at sa kaniyang aktibong pagkabahala para sa espirituwal at materyal na kapakanan ng iba.​—Heb 13:15, 16.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share