-
BabilonyaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ang dinastiyang iyon mula sa anak ni Nabopolassar na si Nabucodonosor hanggang kay Belsasar ay inilalarawan sa hula ng Bibliya bilang ang ulong ginto ng imaheng napanaginipan ni Nabucodonosor (Dan 2:37-45) at bilang isang leon na may mga pakpak ng agila at puso ng tao sa isang pangitaing napanaginipan ni Daniel.—Dan 7:4.
-
-
BabilonyaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Noong 625 B.C.E., tinalo ng panganay na anak ni Nabopolassar, na si Nabucodonosor (II), si Paraon Neco ng Ehipto sa pagbabaka sa Carkemis, at nang taon ding iyon ay hinawakan niya ang katungkulan sa pamamahala. (Jer 46:1, 2) Sa ilalim ni Nabucodonosor, ang Babilonya ay naging “isang ginintuang kopa” sa kamay ni Jehova upang ibuhos ang galit laban sa di-tapat na Juda at Jerusalem. (Jer 25:15, 17, 18; 51:7) Noong 620 B.C.E. pinilit niya si Jehoiakim na magbayad ng tributo, ngunit pagkatapos ng mga tatlong taon ay naghimagsik si Jehoiakim. Noong 618 B.C.E., o noong ikatlong taon ni Jehoiakim bilang sakop na tagapamahala, si Nabucodonosor ay umahon laban sa Jerusalem. (2Ha 24:1; 2Cr 36:6) Gayunman, bago pa man siya madala ng mga Babilonyo, si Jehoiakim ay namatay. Matapos halinhan ni Jehoiakin ang kaniyang ama, siya ay kaagad na sumuko at dinalang bihag sa Babilonya noong 617 B.C.E. kasama ng iba pang mga taong mahal. (2Ha 24:12) Si Zedekias ang sumunod na inatasan sa trono ng Juda, ngunit naghimagsik din siya; at noong 609 B.C.E. muling kinubkob ng mga Babilonyo ang Jerusalem at sa wakas ay nabutas ang mga pader nito noong 607 B.C.E. (2Ha 25:1-10; Jer 52:3-12) Ang taóng iyon ng 607 B.C.E., kung kailan itiniwangwang ang Jerusalem, ay isang mahalagang taon sa pagbilang ng panahon hanggang sa ang pandaigdig na tagapamahala na pinili ni Jehova, na Soberano ng Sansinukob, ay mailagay niya sa kapangyarihan ng Kaharian.—Tingnan ang TAKDANG PANAHON NG MGA BANSA, MGA (Pasimula ng ‘pagyurak’).
Isang tapyas na cuneiform ang natagpuan na tumutukoy sa isang kampanya laban sa Ehipto noong ika-37 taon ni Nabucodonosor (588 B.C.E.). Maaaring noong pagkakataong iyon napasailalim ng kontrol ng Babilonya ang makapangyarihang Ehipto, gaya ng inihula ng propetang si Ezekiel maliwanag na noong taóng 591 B.C.E. (Eze 29:17-19) Nang dakong huli, pagkatapos ng 43-taóng paghahari, kabilang na rito ang pananakop sa maraming bansa at ang isang malaking programa ng pagtatayo sa Babilonia mismo, si Nabucodonosor II ay namatay noong Oktubre ng 582 B.C.E. at hinalinhan ni Awil-Marduk (Evil-merodac).
-