-
AntioquiaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Pagkabalik nila sa Antioquia, itinagubilin ng banal na espiritu na ibukod sina Pablo at Bernabe para sa pantanging gawain, sa gayon ay isinugo sila sa unang paglalakbay ni Pablo bilang misyonero, noong mga 47-48 C.E. Bago siya magsimula sa kaniyang ikalawang paglalakbay bilang misyonero at samantalang siya ay nasa Antioquia, bumangon ang usapin tungkol sa pagtutuli para sa mga Gentil noong 49 C.E., at ang utos ng lupong tagapamahala sa Jerusalem ay inihatid nina Pablo at Bernabe sa kongregasyon sa Antioquia. (Gaw 15:13-35) Sa Antioquia rin nagsimula at nagtapos ang ikalawang paglalakbay ni Pablo bilang misyonero noong mga 49-52 C.E., at doon din itinuwid ni Pablo ang pakikipagkompromiso ni Pedro nang magpakita ito ng pagtatangi may kaugnayan sa mga Judio at mga Gentil.—Gal 2:11, 12.
-
-
AntioquiaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Dalawang beses na dumalaw rito si Pablo kasama si Bernabe sa kaniyang unang paglalakbay bilang ebanghelisador noong mga 47-48 C.E. at nangaral siya sa sinagoga, kung saan siya nakasumpong ng maraming interesado. (Gaw 13:14; 14:19-23) Gayunman, nanibugho ang ilang Judio dahil sa mga pulutong na dumalo kung kaya sinulsulan nila ang ilan sa nangungunang mga lalaki at mga babae roon at itinapon nila sina Pablo at Bernabe sa labas ng lunsod.—Gaw 13:45, 50; 2Ti 3:11.
-