Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Ministeryo ng Apostol na si Pablo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang Ministeryo ng Apostol na si Pablo

      MATAPOS atasan ni Jesus si Pablo upang maging apostol sa mga bansa, buong-sigasig nitong ginampanan ang kaniyang gawain. (Ro 11:13) Nakarating siya sa Ciprus at Asia Minor sa kaniyang unang paglalakbay bilang misyonero. Itinapon siya sa labas ng mga lunsod ng galĂ­t na mga mang-uumog, anupat pinagbabato pa nga at iniwan sa pag-aakalang patay na siya. Ngunit bumalik siya upang palakasin yaong mga naging alagad.

      Noong kaniyang ikalawang paglalakbay, nakarating siya hanggang sa Macedonia at Gresya. Dito ay nakapagpatotoo siya sa Areopago sa Atenas, gaya ng nakalarawan sa ibaba.

      Noong ikatlong paglalakbay ni Pablo, nangaral siya nang mga tatlong taon sa Efeso, isang salubungang-dako ng daigdig na Romano. Pagkatapos ay pumaroon siya sa Macedonia at Gresya upang patibayin ang mga kongregasyon doon.

  • Ang Ministeryo ng Apostol na si Pablo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share