Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bahay
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Marami sa mga Israelita ang nagsimulang manahanan sa mga bahay ng itinaboy na mga Canaanita at malamang na sa loob ng maraming taon pagkatapos nito ay gumamit sila ng katulad na mga pamamaraan sa pagtatayo. (Deu 6:10, 11) Lumilitaw na mas gusto nila ang mga bahay na bato (Isa 9:10; Am 5:11), yamang mas matitibay ang mga ito at mas ligtas sa mga nanloloob kaysa sa mga bahay na yari sa laryong putik. Madaling pasukin ng mga magnanakaw ang mga bahay na putik sa pamamagitan lamang ng paghuhukay sa isang dingding. (Ihambing ang Job 24:16.) Gayunman, sa mabababang lupain, kung saan kakaunti ang makukuhang de-kalidad na batong-apog at batong-buhangin, mga laryong putik na pinatuyo sa araw, o kung minsan, niluto sa hurnuhan, ang ginagamit sa mga dingding ng mga tirahan.

  • Bahay
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • May mga bahay na itinayo sa ibabaw ng malalapad na pader ng lunsod. (Jos 2:15) Ngunit lalong mabuti kung itinayo ang mga ito sa ibabaw ng batong-limpak (Mat 7:24), at karaniwan na, hindi pinasisimulan ang kayariang laryong putik hangga’t hindi nakapaglalatag ng dalawa o tatlong hanay ng mga bato. Kapag ang bahay ay hindi maitatayo sa isang batong-limpak, kadalasan ay naglalatag ng isang solidong pundasyon, anupat ang lalim niyaon ay kasintaas ng batong pader nito. Ang ilang pundasyon ay gawa sa malalaking bato na di-tinabas, at ang mga bitak niyaon ay pinupunan ng maliliit na bato; ang iba naman ay yari sa tinabas na mga bato. Ang mga guho ng isang bahay na yari sa laryong putik at nahukay ng mga arkeologo ay may kayariang bato na mahigit sa 0.5 m (1.5 piye) ang taas; sa isa pang bahay, ang mga bato ay umabot sa taas na mga 1 m (3 piye). Ang mga dingding ng ilang bahay ay may kapal na mga 1 m (3 piye). Kadalasan, isang uri ng kalburo ang ipinapahid sa labas ng mga dingding (Eze 13:11, 15), at kung minsan, ang mga dingding na yari sa laryong putik at nakaharap sa lansangan ay nilalatagan ng maliliit na bato upang maingatan ang pinakaibabaw ng mga ito.

      Ang mga bato para sa pagtatayo ay pinagpapantay-pantay at pinagdurugtong sa pamamagitan ng mga batong-panulok na maingat na pinakinis at inilapat. (Ihambing ang Aw 118:22; Isa 28:16.) Noon, pinaghalong luwad at dayami ang karaniwang ginagamit bilang argamasa. Kung minsan ang halong ito ay may kasamang apog, abo, pinulbos na mga bibinga ng mga kagamitang luwad, dinikdik na mga kabibi, o batong-apog. Ipinapahid ito sa mga laryo o mga bato upang pagdikit-dikitin ang mga iyon, at ginagamit din itong palitada sa mga dingding sa loob. (Lev 14:41, 42) Gayunman, sa ilang kalagayan, eksaktung-eksakto ang pagkakatabas ng mga bato anupat hindi na kailangan ang argamasa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share