-
OliboKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Yamang mabagal lumaki ang puno ng olibo at maaaring umabot nang sampung taon o mahigit pa bago ito mapag-anihan nang sagana, isang malaking bentaha para sa mga Israelita na ang mga punong ito ay tumutubo na roon. Pagkahaba-haba ng buhay ng punong ito, anupat namumunga ito sa loob ng daan-daang taon, at iminumungkahi na ang ilan sa mga punong olibo sa Palestina ay mahigit na sa 1,000 taon.
-
-
OliboKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang pag-aani ay ginagawa sa panahon ng taglagas (Oktubre-Nobyembre), at malimit pa ring gamitin ang sinaunang pamamaraan ng pagpaspas sa puno sa pamamagitan ng mga pamalo. (Deu 24:20; Isa 24:13) Noong panahon ng Bibliya, kinukuha ng mga naghihimalay ang mga bungang naiwan. (Isa 17:6) Likas na salit-salitan ang pamumunga ng punong ito, samakatuwid nga, ang masaganang ani ay sinusundan ng mahinang ani sa sumunod na taon. Ang sariwang bunga nito ay may mapait na substansiya na naaalis kapag ibinabad sa tubig na may asin, pagkatapos, ang mga olibo ay kinakain nang hilaw o inatsara. Gayunman ang pangunahing pakinabang sa mga ito ay ang kanilang langis, na bumubuo ng hanggang 30 porsiyento o mahigit pa (ayon sa timbang) ng sariwang bunga. Ang isang mabungang puno ay mapagkukunan ng mula 38 hanggang 57 L (10 hanggang 15 gal) bawat taon.
-