Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ehipto, Ehipsiyo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • ang Sampung Salot at ang pinsalang idinulot ng mga ito hindi lamang sa ekonomiya ng Ehipto kundi lalo na sa mga relihiyosong paniniwala nila at sa reputasyon ng kanilang mga saserdote (Exo 10:7; 11:1-3; 12:12, 13); ang Pag-alis ng Israel pagkamatay ng lahat ng panganay ng Ehipto at ang pagkapuksa ng pinakamagagaling na kawal sa hukbong militar ng Ehipto sa Dagat na Pula (Exo 12:2-38; 14:1-28)​—ang lahat ng ito ay tiyak na kailangang ipaliwanag ng mga opisyal na Ehipsiyo.

      Dapat tandaan na ang pagtatala ng kasaysayan sa Ehipto, gaya ng sa maraming lupain sa Gitnang Silangan, ay laging pinangangasiwaan ng mga saserdote, na siyang nagsasanay sa mga eskriba. Kataka-taka naman kung hindi sila mag-iimbento ng paliwanag kung bakit nabigo ang mga diyos ng Ehipto na hadlangan ang kapahamakang pinasapit ng Diyos na Jehova sa Ehipto at sa taong-bayan nito. Maraming ulat sa kasaysayan, maging sa makabagong kasaysayan, ang naglalahad ng mga pangyayaring labis na pinilipit anupat ang mga siniil ang pinalitaw na mga maniniil, at ang mga inosenteng biktima ang pinalitaw na mapanganib at malupit na mga mang-uusig. Ang ulat ni Manetho (mahigit na isang libong taon pagkatapos ng Pag-alis), kung nailahad ni Josephus nang may kawastuan, ay posibleng ang pilipit na mga kuwentong ipinasa-pasa ng sumunod na mga salinlahi ng mga Ehipsiyo upang ipaliwanag ang pangunahing mga elemento ng tunay na ulat, na mababasa sa Bibliya, may kinalaman sa Israel noong sila’y nasa Ehipto.​—Tingnan ang PAG-ALIS (Autentisidad ng Ulat ng Pag-alis).

  • Ehipto, Ehipsiyo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang pakikipamayan ng Israel sa Ehipto ay hindi malilimutan ng mga Israelita, at ang makahimalang pagpapalaya sa kanila mula sa lupaing iyon ay palaging ipinaaalaala sa kanila bilang namumukod-tanging patotoo ng pagka-Diyos ni Jehova. (Exo 19:4; Lev 22:32, 33; Deu 4:32-36; 2Ha 17:36; Heb 11:23-29) Kaya naman may pananalitang, “Ako ay si Jehova na iyong Diyos mula sa lupain ng Ehipto.” (Os 13:4; ihambing ang Lev 11:45.) Hindi ito nahigitan ng anumang kalagayan o pangyayari hanggang noong palayain sila mula sa Babilonya, na nagbigay sa kanila ng karagdagang patotoo ng kapangyarihan ni Jehova na magligtas. (Jer 16:14, 15) Ang kanilang karanasan sa Ehipto ay isinulat sa Kautusan na ibinigay sa kanila (Exo 20:2, 3; Deu 5:12-15); iyon ang naging saligan para sa kapistahan ng Paskuwa (Exo 12:1-27; Deu 16:1-3); nagsilbing paalaala iyon sa kanilang mga pakikitungo sa mga naninirahang dayuhan (Exo 22:21; Lev 19:33, 34) at sa mga taong dukha na ipinagbili ang kanilang sarili sa pagkaalipin (Lev 25:39-43, 55; Deu 15:12-15); naglaan iyon ng legal na saligan para sa pagpili at pagpapabanal sa tribo ni Levi para sa paglilingkod sa santuwaryo (Bil 3:11-13). Dahil sa paninirahan ng Israel sa Ehipto bilang dayuhan, ang mga Ehipsiyo na nakaaabot sa partikular na mga kahilingan ay maaaring tanggapin sa kongregasyon ng Israel. (Deu 23:7, 8) Ang mga kaharian ng Canaan at ang mga tao ng kalapit na mga lupain ay nasindak at natakot dahil sa mga ulat na narinig nila hinggil sa kapangyarihan ng Diyos na itinanghal laban sa Ehipto, anupat ito’y nagpadali sa pananakop ng Israel (Exo 18:1, 10, 11; Deu 7:17-20; Jos 2:10, 11; 9:9) at naaalaala maraming siglo pagkatapos nito. (1Sa 4:7, 8) Sa buong kasaysayan ng Israel, inaawit nila sa kanilang mga awit ang tungkol sa mga pangyayaring ito.​—Aw 78:43-51; Aw 105 106; 136:10-15.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share