-
Haba ng BuhayKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
HABA NG BUHAY
Ang orihinal na layunin ng Diyos ay mabuhay ang tao magpakailanman. Palibhasa’y sakdal, ang unang taong si Adan ay nagkaroon ng pagkakataong magtamasa ng haba ng buhay na hindi magwawakas, ngunit depende ito sa pagsunod niya sa Diyos. (Gen 2:15-17) Gayunman, dahil sa pagsuway, naiwala ni Adan ang pagkakataong iyon, at mula sa kaniya ay nagmana ng kasalanan at kamatayan ang buong lahi ng tao.—Ro 5:12.
-
-
Haba ng BuhayKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Halos 2,000 taon na ang nakararaan, binanggit ni Jesu-Kristo na walang sinuman ang “makapagdaragdag ng isang siko sa haba ng kaniyang buhay.” (Luc 12:25) Gayunman, sinabi rin ni Jesus: “Ang mga bagay na imposible sa mga tao ay posible sa Diyos.” (Luc 18:27) Sa pamamagitan ng propetang si Isaias, inihula ng Diyos: “Magiging gaya ng mga araw ng punungkahoy ang mga araw ng aking bayan.” (Isa 65:22) At sa Isaias 25:8, inihula na “lalamunin [ng Diyos] ang kamatayan magpakailanman, at tiyak na papahirin ng Soberanong Panginoong Jehova ang mga luha mula sa lahat ng mukha.” Ang pangakong ito ay inulit sa huling aklat ng Bibliya: “At papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man.”—Apo 21:4.
-