-
BilangguanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
BILANGGUAN
Isang dakong kulungan ng isa na lilitisin o ng isa na nasumpungang nagkasala ng paglabag sa batas. Ganito ang mga kahulugan ng iba’t ibang pananalita sa orihinal na wika na tumutukoy sa isang bilangguan, o piitan: “bahay na pabilog” (Gen 39:20; ihambing ang tlb sa Rbi8), “bahay ng imbakang-tubig” (Exo 12:29, tlb sa Rbi8), “bahay-kulungan” (Gen 42:19; 1Ha 22:27; Jer 52:11), “bahay ng mga bilanggo o ng mga nakagapos” (Huk 16:21; Ec 4:14), “bahay ng mga pangawan” (2Cr 16:10), “dako ng mga gapos” (Mat 11:2), “dako ng pagbabantay” (Mat 14:10), at “dakong kulungan o dako ng pag-oobserba” (Gaw 5:18).
-
-
BilangguanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Walang probisyon sa Kautusang Mosaiko para gumamit ng mga bilangguan bilang isang paraan ng pagpaparusa. Yamang ang katarungan ay dapat ilapat nang mabilis (Jos 7:20, 22-25), mababasa natin sa Pentateuch na inilalagay lamang sa kulungan ang mga indibiduwal sa mga kasong nangangailangan ng paglilinaw ng Diyos. (Lev 24:12; Bil 15:34)
-