-
BautismoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
“Samakatuwid inilibing tayong kasama niya sa pamamagitan ng ating bautismo sa kaniyang kamatayan, upang, kung paanong si Kristo ay ibinangon mula sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, tayo ay lumakad nang gayundin sa isang panibagong buhay. Sapagkat kung tayo ay naging kaisa niya sa wangis ng kaniyang kamatayan, tiyak na tayo ay magiging kaisa rin niya sa wangis ng kaniyang pagkabuhay-muli.”—Ro 6:4, 5; 1Co 15:31-49.
Higit pang nilinaw ni Pablo ang bagay na ito nang sumulat siya sa kongregasyon sa Filipos, anupat inilarawan niya ang kaniyang sariling landasin bilang “pakikibahagi sa . . . mga pagdurusa [ni Kristo], na ipinasasakop ang aking sarili sa isang kamatayan na tulad ng sa kaniya, upang tingnan kung sa anumang paraan ay makakamtan ko ang mas maagang pagkabuhay-muli mula sa mga patay.” (Fil 3:10, 11) Tanging ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, ang makalangit na Ama, na Tagapagbautismo sa mga binabautismuhan kaisa ni Jesu-Kristo at sa kaniyang kamatayan, ang maaaring tumapos sa bautismong ito. Ginagawa Niya ito sa pamamagitan ni Kristo sa pagbabangon sa kanila mula sa kamatayan upang maging kaisa ni Jesu-Kristo sa wangis ng kaniyang pagkabuhay-muli, na tungo sa makalangit at imortal na buhay.—1Co 15:53, 54.
-
-
BautismoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Sa konteksto, ipinakikita ng 1 Corinto 15:3, 4 na ang pangunahing tinatalakay ay ang paniniwala sa kamatayan at pagkabuhay-muli ni Jesu-Kristo. Pagkatapos ay inihaharap ng kasunod na mga talata ang katibayan na makatuwiran ang gayong paniniwala (tal 5-11); tinatalakay ng mga ito na may seryosong mga implikasyon ang pagtangging maniwala sa pagkabuhay-muli (tal 12-19), na ang pagkabuhay-muli ni Kristo ay nagbibigay-katiyakan na may mga iba pa na ibabangon mula sa mga patay (tal 20-23), at kung paanong sa pamamagitan ng lahat ng ito ay naipagkakaisa sa Diyos ang lahat ng matatalinong nilalang (tal 24-28). Maliwanag na ang talata 29 ay isang mahalagang bahagi ng pagtalakay na ito. Ngunit kaninong pagkabuhay-muli ang pinag-uusapan sa talata 29? Iyon ba ay ang pagkabuhay-muli niyaong mga indibiduwal na tinutukoy roon bilang binautismuhan? O niyaong isa na namatay bago naisagawa ang bautismong iyon? Ano ang ipinahihiwatig ng kasunod na mga talata? Malinaw na ipinakikita ng talata 30 hanggang 34 na ang tinatalakay roon ay ang pag-asa ng buháy na mga Kristiyano na mabuhay sa hinaharap, at sinasabi ng talata 35 hanggang 58 na sila ay ang tapat na mga Kristiyano na may pag-asang mabuhay sa langit.
Kasuwato ito ng Roma 6:3, na nagsasabi: “Hindi ba ninyo alam na tayong lahat na binautismuhan kay Kristo Jesus ay binautismuhan sa kaniyang kamatayan?” Gaya ng nililinaw ng kasulatang ito, hindi iyon pagpapabautismo ng isang Kristiyano alang-alang sa isa na patay na kundi, sa halip, iyon ay isang bagay na nakaaapekto sa mismong kinabukasan ng taong iyon.
Kung gayon, sa anong diwa na ang mga Kristiyanong iyon ay ‘binautismuhan sa layuning maging mga patay,’ o “binautismuhan sa kaniyang kamatayan”? Inilubog sila sa isang landasin ng buhay na aakay sa kanilang kamatayan bilang mga tagapag-ingat ng katapatan, gaya niyaong kay Kristo, at taglay ang pag-asa ng pagkabuhay-muli na tulad ng sa kaniya tungo sa imortal na buhay bilang espiritu. (Ro 6:4, 5; Fil 3:10, 11) Hindi ito isang bautismo na mabilis na isinasagawa, gaya ng paglulubog sa tubig. Mahigit na tatlong taon pagkatapos ng paglulubog sa kaniya sa tubig, tinukoy ni Jesus ang isang bautismo na hindi pa tapos sa kaniyang kalagayan at na sa hinaharap pa lamang isasagawa sa mga alagad niya. (Mar 10:35-40) Yamang ang bautismong ito ay umaakay sa pagkabuhay-muli tungo sa makalangit na buhay, magsisimula ito sa pagkilos ng espiritu ng Diyos sa isang tao upang malinang sa kaniya ang pag-asang iyon, at magwawakas ito, hindi sa kamatayan, kundi sa pagtatamo ng pag-asa sa imortal na buhay bilang espiritu sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli.—2Co 1:21, 22; 1Co 6:14.
-
-
BautismoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Sa gayunding paraan, ang mga sumasailalim sa bautismong Kristiyano ay nagiging pag-aari ng Diyos, mga alipin niya, upang gamitin ayon sa kaniyang mamarapatin. (1Co 6:20) Ang isang halimbawa ng pagpatnubay ng Diyos sa gayong mga bagay ay matatagpuan sa Apocalipsis, kung saan binabanggit ang isang tiyak na bilang ng mga tao na sa wakas ay “tinatakan,” samakatuwid nga, 144,000. (Apo 7:4-8) Bago pa man ang gayong pangwakas na pagsang-ayon, ang banal na espiritu ng Diyos ay nagsisilbi nang pantatak na nagbibigay sa mga tinatakan ng patiunang tanda ng kanilang ng makalangit na mana. (Efe 1:13, 14; 2Co 5:1-5) Ang mga nagtataglay ng gayong pag-asa ay sinabihan din: “Inilagay ng Diyos ang mga sangkap sa katawan [ni Kristo], bawat isa sa kanila, ayon sa kaniyang kinalugdan.”—1Co 12:18, 27.
-