Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Baboy
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • BABOY

      [sa Gr., khoiʹros; hys (babaing baboy); sa Heb., chazirʹ (baboy; baboy-ramo)].

      Ang karaniwang baboy (Sus domestica) ay isang mamalya na katamtaman ang laki, may baak ang kuko, maiikli ang binti, at may katawang makapal ang balat, mapintog at kadalasa’y nababalot ng magagaspang na balahibo. Hindi matulis ang nguso ng baboy, at maiikli ang leeg at buntot nito. Palibhasa’y hindi ito ngumunguya ng dating kinain, ang baboy ay hindi maaaring kainin o ihain ayon sa mga kundisyon ng Kautusang Mosaiko.​—Lev 11:7; Deu 14:8.

      Bagaman ang pagbabawal ni Jehova sa pagkain ng karne ng baboy ay hindi naman batay sa kadahilanang pangkalusugan, may mga panganib noon at maging sa ngayon sa pagkain ng karne nito. Yamang ang mga baboy ay hindi pihikan sa pagkain, anupat kumakain pa nga ng bangkay at basura, madalas ay pinamumugaran sila ng iba’t ibang parasitikong organismo, kabilang na yaong mga nagdudulot ng mga sakit gaya ng trichinosis at ascariasis.

  • Baboy
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Bagaman ang mga apostatang Israelita ay kumain ng karneng baboy (Isa 65:4; 66:17), ipinakikita ng Apokripal na mga aklat ng Unang Macabeo (1:65, Dy) at Ikalawang Macabeo (6:18, 19; 7:1, 2, Dy) na noong panahon ng pamumuno sa Palestina ng Siryanong hari na si Antiochus IV Epiphanes at ng kaniyang malupit na kampanya upang pawiin ang pagsamba kay Jehova, maraming Judio ang tumangging kumain ng karne ng baboy, anupat pinili pa nilang mamatay dahil sa paglabag sa batas ng hari kaysa lumabag sa kautusan ng Diyos.

      Bagaman may iba pang mga bansa na hindi kumakain ng karneng baboy, para sa mga Griego ay isa itong espesyal na pagkain. Kaya malamang na dahil sa impluwensiyang Helenistiko, noong panahon ng ministeryo ni Jesu-Kristo sa lupa ay lumilitaw na napakaraming baboy sa Palestina, lalo na sa pook ng Decapolis.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share