Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Agrikultura
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • May mahalagang dako ang agrikultura sa mga batas na ibinigay sa Israel. Ang lupain ay kay Jehova kung kaya hindi ito dapat abusuhin. (Lev 25:23) Hindi ito maaaring ipagbili nang panghabang-panahon, at maliban sa mga ari-ariang nasa loob ng mga lunsod na may pader, ang lupaing ipinagbili dahil sa kagipitan at pagbagsak ng kabuhayan ay dapat ibalik sa orihinal na may-ari sa taon ng Jubileo. (Lev 25:10, 23-31) Kahilingan noon na magkaroon ng isang sabbath na kapahingahan tuwing ikapitong taon, anupat sa panahong iyon ay hindi tatamnan ang lupain upang manauli ang katabaan nito, sa gayon ay magdudulot ito ng kapakinabangang katulad niyaong sa pagpapalit-palit ng pananim sa ngayon. (Exo 23:10, 11; Lev 25:3-7) Maaaring naging waring mapanganib ang kahilingang ito at tiyak na naging pagsubok ito sa pananampalataya ng bansa sa pangako ng Diyos na maglalaan siya nang sagana upang makaraos sila hanggang sa pag-aani ng kasunod na taon. Ngunit kasabay naman nito, napasigla sila na maingat na magpasiya at patiunang maghanda. Ang taon ng Jubileo (tuwing ika-50 taon) ay naging isa ring taon ng kapahingahan para sa lupain.​—Lev 25:11, 12.

      Ang tatlong taunang kapistahan na iniutos sa Israel na ipagdiwang ay itinapat sa mga kapanahunang agrikultural: ang Kapistahan ng mga Tinapay na Walang Pampaalsa kapag panahon ng pag-aani ng sebada, ang Pentecostes kapag panahon ng pag-aani ng trigo, at ang Kapistahan ng mga Kubol kapag matatapos nang anihin ang mga bunga ng katatapos na taon. (Exo 23:14-16) Ang mga kapanahunan at pag-aani ay nagsilbing mga salik sa pagpepetsa at mga tagapagpahiwatig ng panahon para sa mga Israelita at mas karaniwan nilang ginagamit ang mga ito kaysa sa mga pangalan ng mga buwan sa kalendaryo. Nagsilbi ring proteksiyon sa mga Israelita sa espirituwal na paraan ang gayong agrikultural na buhay, yamang hindi nila kinailangang umasa sa ibang mga bayan para sa kanilang mga pangangailangan at hindi nila gaanong kinailangang makipagkalakalan sa nakapalibot na mga bansa.

      Bagaman ang lupain ay magiging isang lupaing “inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan” para sa kanila dahil sa pagpapala ng Diyos, mayroon pa ring mga suliranin sa agrikultura na kinailangang lutasin. Kung magiging masunurin sila, hindi nila kakailanganin ang malawakang pagpapatubig. (Deu 8:7; 11:9-17)

  • Agrikultura
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Dahil sa pagsuway nila noong bandang huli, ipinagkait ng Diyos ang kaniyang pagpapala at nagdulot ito ng mga kasakunaan sa agrikultura gaya ng mahihinang ani, mga tagtuyot, mga salot ng balang, amag, at iba pang mga suliranin.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share