Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tainga, Pandinig
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang pagkakagamit ng pananalitang “makinig” o ‘ikiling ang pandinig ng isa’ ay nagpapahiwatig ng pagbibigay-pansin upang kumilos kaayon ng bagay na narinig. (Aw 78:1; 86:6; Isa 51:4)

  • Tainga, Pandinig
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sa katulad na paraan, ang salitang Griego para sa “makinig” ay maaaring mangahulugan ng ‘pagbibigay-pansin, pagkaunawa, at pagkilos ayon sa narinig,’ gaya noong sabihin ni Jesu-Kristo: “Ang aking mga tupa ay nakikinig sa aking tinig,” at, “ang ibang tao ay hindi nga nila susundan kundi tatakas mula sa kaniya, sapagkat hindi nila kilala ang tinig ng ibang mga tao.”​—Ju 10:27, 5.

      Sa kabilang dako naman, sinasabing ang mga tainga ng mga mapaghimagsik ay “mabigat” (KJ) o “bingi.” (Isa 6:10; Gaw 28:27) Ang gayong mga balakyot ay inihahalintulad sa kobra na nagtatakip ng mga tainga nito, anupat tumatangging makinig sa tinig ng engkantador.​—Aw 58:4.

      Sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod, tinukoy ni Jehova ang sutil at masuwaying mga Israelita bilang may ‘di-tuling mga tainga.’ (Jer 6:10; Gaw 7:51) Ang mga ito ay waring natatakpan ng isang bagay na nakahahadlang sa pagdinig. Ang mga ito ay mga tainga na hindi binuksan ni Jehova, na nagbibigay ng mga taingang nakauunawa at masunurin doon sa mga humahanap sa kaniya ngunit nagpapahintulot naman na pumurol ang espirituwal na pandinig ng mga masuwayin. (Deu 29:4; Ro 11:8)

  • Tainga, Pandinig
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Kahawig ng kaayusang ito ang probisyon para sa taong nais na manatiling alipin ng kaniyang panginoon hanggang sa panahong walang takda. Sa gayong kaso, ang alipin ay dadalhin sa poste ng pinto at ang tainga niya ay bubutasan ng kaniyang panginoon sa pamamagitan ng balibol. Maliwanag na ang nakalantad na markang ito, na inilagay sa sangkap para sa pagdinig, ay sumasagisag sa pagnanais ng alipin na patuloy na makinig at sumunod sa kaniyang panginoon.​—Exo 21:5, 6.

      Hinggil sa malaking pangangailangan ng tao na makinig sa Diyos, sa diwa ng maingat na pagbibigay-pansin at pagsunod sa kaniyang mga salita gaya ng iniuutos sa Bibliya, sa halip na makita ang Diyos gaya ng iginigiit ng ilan, si R. C. Dentan ay nagkomento: “Sa Bibliya, ang susing salita sa pagtugon ng tao sa Diyos ay ‘pagdinig’ sa halip na ‘pagkakita’ . . . Para sa mahiwagang mga relihiyon, ang pinakasukdulang relihiyosong karanasan ay ang ‘makita’ ang diyos; ngunit para sa Bibliya, kung saan ang pangunahing relihiyosong saloobin ay pagsunod sa salita ng Diyos, ang idiniriin ay ang ‘pagdinig’ sa kaniyang tinig. Kaya naman ang pinakamahalagang pormula ng relihiyon ng Israel ay nagsisimula sa: ‘Dinggin mo, O Israel.’ ‘Siya na nasa panig ng Diyos’ ay hindi ang mistiko na nakakita ng pangitain, kundi ang isa na ‘dumirinig sa mga salita ng Diyos’ (Juan 8:47).”​—The Interpreter’s Dictionary of the Bible, inedit ni G. Buttrick, 1962, Tomo 2, p. 1; tingnan ang PAGKABINGI.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share