Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Samaria
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Waring si Tiglat-pileser III ang unang nag-alis sa mga Israelita sa teritoryo ng Samaria, anupat kabilang sa mga inilipat sa Asirya ang ilang prominenteng mga Rubenita, mga Gadita, at mga Manasita na mula sa S ng Jordan. (1Cr 5:6, 26) Nang tuluyang bumagsak ang hilagang kaharian, marami pang Israelita ang dinala sa pagkatapon. (2Ha 17:6) Ngunit sa pagkakataong ito, pinalitan sila ng hari ng Asirya ng mga mamamayang mula sa kaniyang nasasakupan. Ang ganitong patakaran ng paglilipat ay ipinagpatuloy nina Esar-hadon at Asenapar (Ashurbanipal).​—2Ha 17:24; Ezr 4:2, 10.

  • Samaritano
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • SAMARITANO

      [malamang, Ng (Mula sa) Samaria].

      Ang terminong “mga Samaritano” ay unang lumitaw sa Kasulatan pagkatapos na malupig ang sampung-tribong kaharian ng Samaria noong 740 B.C.E.; ikinapit ito sa mga naninirahan sa hilagang kaharian bago ang panlulupig na iyon upang mapaiba sila sa mga banyagang dinala roon nang dakong huli mula sa ibang mga bahagi ng Imperyo ng Asirya. (2Ha 17:29) Waring hindi inalis ng mga Asiryano ang lahat ng mga Israelitang naninirahan sa Samaria, sapagkat ipinahihiwatig ng ulat sa 2 Cronica 34:6-9 (ihambing ang 2Ha 23:19, 20) na noong panahon ng paghahari ni Haring Josias ay may mga Israelita pa rin sa lupaing ito. Sa kalaunan, ang terminong “mga Samaritano” ay nangahulugang mga inapo ng mga naiwan sa Samaria at ng mga dinala roon ng mga Asiryano. Kaya naman tiyak na ang ilan sa mga ito’y mga anak sa pakikipag-asawa sa banyaga.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share