Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jehova
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Kung walang mga pamantayan, walang paraan upang matiyak o mapagpasiyahan kung ano ang mabuti at masama o upang masukat at makilala ang mga antas ng katumpakan at kahusayan. May kinalaman dito, ang Encyclopædia Britannica (1959, Tomo 21, p. 306, 307) ay may mahusay na obserbasyon:

      “Ang mga nagawa na ng tao [sa pagtatatag ng mga pamantayan] . . . ay napakaliit kung ihahambing sa mga pamantayan sa kalikasan. Ang mga konstelasyon, ang mga orbit ng mga planeta, ang di-nagbabago at normal na mga katangian ng conductivity, ductility, elasticity, hardness, permeability, refractivity, strength, o viscosity ng mga materyales sa kalikasan, . . . o ang istraktura ng mga selula, ay ilang halimbawa ng kagila-gilalas na mga pamantayan sa kalikasan.”

      Upang ipakita ang kahalagahan ng gayong mga pamantayan sa materyal na sangnilalang, ang akda ring iyon ay nagsabi: “Sa pamamagitan lamang ng itinakdang mga pamantayan na masusumpungan sa kalikasan kung kaya naging posibleng kilalanin at iklasipika . . . ang maraming uri ng halaman, isda, ibon o hayop. Sa loob ng mga uring ito, ang mga indibiduwal ay nagkakatulad sa kaliit-liitang detalye ng istraktura, gawain at mga kaugalian na katangi-tangi sa bawat uri. [Ihambing ang Gen 1:11, 12, 21, 24, 25.] Kung hindi dahil sa gayong mga pamantayan sa katawan ng tao, hindi malalaman ng mga doktor kung ang isang indibiduwal ay nagtataglay ng partikular na mga sangkap, kung saan hahanapin ang mga iyon . . . Sa katunayan, kung wala ang mga pamantayan sa kalikasan, hindi posibleng magkaroon ng organisadong lipunan, edukasyon at mga doktor; ang bawat isa sa mga ito ay dumedepende sa saligan at mapaghahambing na mga pagkakatulad.”

      Nakita ni Adan na napakatatag ng mga gawang paglalang ni Jehova, gaya ng regular na siklo ng araw at gabi, ng tuluy-tuloy at pababang agos ng tubig sa ilog ng Eden dahil sa puwersa ng grabidad, at ng napakaraming iba pang mga bagay na nagpapatotoo na ang Maylalang ng Lupa ay hindi isang Diyos ng kalituhan kundi ng kaayusan. (Gen 1:16-18; 2:10; Ec 1:5-7; Jer 31:35, 36; 1Co 14:33) Tiyak na nakatulong ito sa tao sa pagganap sa kaniyang atas na gawain at mga aktibidad (Gen 1:28; 2:15), anupat nakapagplano at nakapagtrabaho siya nang panatag, malaya sa pagkabalisa at kawalang-katiyakan.

  • Jehova
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang pagiging maayos na ito at ang itinakdang mga pamantayan ay hindi makababawas sa kasiyahan ng tao sa buhay kundi makapagdaragdag pa nga rito. Hinggil sa materyal na sangnilalang, ang nabanggit na artikulo sa ensayklopidiya tungkol sa mga pamantayan ay nagsabi: “Ngunit sa kabila ng pagkarami-raming katibayang ito ng mga pamantayan, walang sinumang magsasabi na nakababagot ang kalikasan. Bagaman isa lamang makitid na hanay ng mga wave length ng ispektrum ang pinakapundasyon, halos walang limitasyon ang pagkakasari-sari at mga kombinasyon ng kulay na kasiya-siya sa mata ng tumitingin. Sa katulad na paraan, ang lahat ng kagandahan ng musika ay naririnig ng tainga sa pamamagitan lamang ng isa pang maliit na grupo ng mga frequency.” (Tomo 21, p. 307)

  • Jehova
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Samakatuwid, dahil sa kaniya mismong personalidad, sa kaniyang mga daan, at sa kaniyang mga salita, ang Diyos na Jehova, kapuwa noon at ngayon, ang siyang Sukdulang Pamantayan para sa buong sansinukob, anupat siyang katuturan at kabuuan ng lahat ng kabutihan. Kaya naman noong narito sa lupa ang kaniyang Anak, masasabi nito sa isang lalaki: “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang sinumang mabuti, maliban sa isa, ang Diyos.”​—Mar 10:17, 18; gayundin ang Mat 19:17; 5:48.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share