-
Krimen at KaparusahanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Malulubhang krimen sa ilalim ng Kautusan. Mga krimen na pinapatawan ng kamatayan. Sa ilalim ng Kautusan, parusang kamatayan ang itinakda para sa (1) pamumusong (Lev 24:14, 16, 23); (2) pagsamba sa alinmang diyos maliban kay Jehova, anumang anyo ng idolatriya (Lev 20:2; Deu 13:6, 10, 13-15; 17:2-7; Bil 25:1-9); (3) pangkukulam, espiritismo (Exo 22:18; Lev 20:27); (4) pagiging bulaang propeta (Deu 13:5; 18:20); (5) paglabag sa Sabbath (Bil 15:32-36; Exo 31:14; 35:2); (6) pagpaslang (Bil 35:30, 31); (7) pangangalunya (Lev 20:10; Deu 22:22); (8) may-kabulaanang pag-aangkin ng isang babaing ikakasal na siya’y birhen (Deu 22:21); (9) pakikipagtalik sa isang babaing ipinakipagtipan na (Deu 22:23-27); (10) insesto (Lev 18:6-17, 29; 20:11, 12, 14); (11) sodomiya (Lev 18:22; 20:13); (12) bestiyalidad (Lev 18:23; 20:15, 16); (13) pandurukot ng tao (Exo 21:16; Deu 24:7); (14) pananakit o panlalait sa magulang (Exo 21:15, 17); (15) pagpapatotoo nang may kabulaanan, kapag kamatayan ang magiging parusa sa isa na nililitis (Deu 19:16-21); (16) paglapit sa tabernakulo kung ang isa ay hindi awtorisado (Bil 17:13; 18:7).
Sa maraming kaso, ang parusang binabanggit ay ‘paglipol,’ kadalasa’y sa pamamagitan ng pagbato. Bukod sa itinakda ito para sa sinasadyang pagkakasala at para sa mapang-abuso at walang-galang na pananalita laban kay Jehova (Bil 15:30, 31), marami pang ibang bagay ang nilalapatan ng parusang ito. Ang ilan sa mga ito ay: hindi pagpapatuli (Gen 17:14; Exo 4:24); sinasadyang di-pagdiriwang ng Paskuwa (Bil 9:13); hindi pagdiriwang ng Araw ng Pagbabayad-Sala (Lev 23:29, 30); paggawa o paggamit ng banal na langis na pamahid para sa pangkaraniwang mga layunin (Exo 30:31-33, 38); pagkain ng dugo (Lev 17:10, 14); pagkain ng hain samantalang ang isa ay nasa maruming kalagayan (Lev 7:20, 21; 22:3, 4, 9); pagkain ng tinapay na may lebadura sa panahon ng Kapistahan ng mga Tinapay na Walang Pampaalsa (Exo 12:15, 19); paghahandog ng hain sa ibang lugar maliban sa tabernakulo (Lev 17:8, 9); pagkain ng handog na pansalu-salo sa ikatlong araw mula sa araw ng paghahain (Lev 19:7, 8); hindi pagpapadalisay (Bil 19:13-20); ilegal na paghipo sa mga banal na bagay (Bil 4:15, 18, 20); pakikipagtalik sa babaing nireregla (Lev 20:18); pagkain ng taba ng mga hain.—Lev 7:25; tingnan ang PAGKALIPOL.
-
-
Krimen at KaparusahanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Sa ilalim ng Kautusan, inilapat ang hatol na kamatayan sa pamamagitan ng pagbato. (Lev 20:2, 27) Kung minsan ay ginagamit ang tabak, lalo na kung marami ang lalapatan ng kamatayan. (Exo 32:27; 1Ha 2:25, 31, 32, 34) Kung mag-apostata ang isang lunsod, ang lahat ng nasa lunsod ay itatalaga sa pagkapuksa sa pamamagitan ng tabak. (Deu 13:15) Sa Exodo 19:13, ipinahihiwatig ang pagpatay sa pamamagitan ng palaso, at sa Bilang 25:7, 8 naman ay sa pamamagitan ng sibat. Binabanggit ang pagpugot ng ulo, bagaman maaaring sa ibang paraan isinasagawa ang pagpatay at pagkatapos ay pinupugutan ng ulo ang bangkay. (2Sa 20:21, 22; 2Ha 10:6-8) Para sa mas karima-rimarim na mga krimen, itinakda ng Kautusan ang pagsunog at ang pagbibitin sa tulos. (Lev 20:14; 21:9; Jos 7:25; Bil 25:4, 5; Deu 21:22, 23) Isinasagawa lamang ang mga sentensiyang ito pagkatapos na patayin ang isang tao, gaya ng malinaw na sinasabi ng nabanggit na mga kasulatan.
-