Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pag-ibig
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • PAG-IBIG

      Pagkadama ng mainit at personal na pagkagiliw o masidhing pagmamahal, gaya halimbawa sa isang kaibigan, sa isang magulang o anak, at sa iba pa; mainit na pagkagiliw o pagkagusto sa iba; gayundin, ang mapagbiyayang pagmamahal ng Diyos sa kaniyang mga nilalang o ang mapitagang pagmamahal na dapat iukol ng mga ito sa Diyos; gayundin, ang may-kabaitang pagmamahal na angkop na ipakita ng mga nilalang ng Diyos sa isa’t isa; ang masidhi o maalab na pagmamahal sa isang taong di-kasekso na nagsisilbing emosyonal na pangganyak para sa pag-aasawa. Ang isa sa mga singkahulugan ng pag-ibig ay “debosyon.”

  • Pag-ibig
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • May kinalaman sa pandiwang phi·leʹo, nagkomento si Vine: “[Ito] ay naiiba sa agapao sa dahilang ito, na ang phileo ay mas malapit na kumakatawan sa magiliw na pagmamahal. . . . Muli, ang umibig (phileo) sa buhay, udyok ng labis na pagnanais na ingatan ito, anupat kinaliligtaan ang tunay na layunin ng buhay, ay hinahatulan ng Panginoon, Juan 12:25. Sa kabaligtaran, ang umibig sa buhay (agapao) gaya ng pagkakagamit sa I Ped. 3:10, ay nangangahulugan ng pagsasaalang-alang sa tunay na mga interes ng buhay. Malayong maging angkop dito ang salitang phileo.”​—Tomo 3, p. 21, 22.

      Ang Exhaustive Concordance of the Bible ni James Strong, sa Griegong diksyunaryo nito (1890, p. 75, 76), ay nagkomento sa ilalim ng phi·leʹo: “Ang pagiging isang kaibigan ng (pagkakaroon ng paggiliw sa [isang indibiduwal o isang bagay]), samakatuwid nga, ang pagkakaroon ng pagmamahal (tumutukoy sa personal na pagkagiliw, dahil sa sentimyento o damdamin; samantalang ang [a·ga·paʹo] naman ay mas malawak, anupat lalo na itong sumasaklaw sa pagpapasiya at sa kusang-loob na pagsang-ayon ng kalooban dahil sa simulain, tungkulin at kagandahang-asal . . . ).”​—Tingnan ang PAGMAMAHAL.

      Madalas na tumutukoy ang a·gaʹpe sa pag-ibig na ginagabayan, o inuugitan, ng simulain. Karaniwan nang may kasama itong pagmamahal at pagkagiliw. Ang bagay na maaaring kalakip sa a·gaʹpe ang pagmamahal at init ay makikita sa maraming talata. Sa Juan 3:35, sinabi ni Jesus: “Iniibig [a·ga·paiʹ] ng Ama ang Anak.” Sa Juan 5:20, sinabi niya: “Minamahal [phi·leiʹ] ng Ama ang Anak.” Tiyak na kalakip sa pag-ibig ng Diyos kay Jesu-Kristo ang masidhing pagmamahal. Ipinaliwanag din ni Jesus: “Siya . . . na umiibig [a·ga·ponʹ] sa akin ay iibigin [a·ga·pe·theʹse·tai] ng aking Ama, at iibigin [a·ga·peʹso] ko siya.” (Ju 14:21) Kasama sa pag-ibig na ito ng Ama at ng Anak ang magiliw na pagmamahal sa gayong maibiging mga tao. Ang mga mananamba ni Jehova ay dapat umibig sa kaniya at sa kaniyang Anak, at maging sa isa’t isa, sa gayunding paraan.​—Ju 21:15-17.

      Kaya nga bagaman natatangi ang Kristiyanong pag-ibig dahil sa paggalang sa simulain, hindi naman ito pag-ibig na walang damdamin; kung magkakagayon, wala na itong ipinagkaiba sa mekanikal na katarungan. Ngunit hindi ito kontrolado ng damdamin o sentimyento; hindi nito kailanman ipinagwawalang-bahala ang simulain. Ang mga Kristiyano ay may-kawastuang nagpapakita ng pag-ibig sa iba na maaaring hindi nila partikular na minamahal o kinagigiliwan, anupat ginagawa nila iyon para sa kapakanan ng mga taong iyon. (Gal 6:10) Gayunman, kahit wala silang natatanging pagmamahal sa mga ito, nakadarama naman sila ng habag at taimtim na pagkabahala sa gayong mga kapuwa-tao, hanggang sa mga limitasyon at sa paraan na ipinahihintulot at ginagabayan ng matuwid na mga simulain.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share