Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Malinis, Kalinisan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang isang babae naman ay bibilang ng pitong araw bilang ang yugto ng karumihan ng kaniyang karaniwang pagreregla.

      Gayunman, kapag ang agos ng dugo ng isang babae ay di-pangkaraniwan, di-normal, o matagal, bibilang siya ng pitong araw pa pagkatapos na huminto iyon.

  • Malinis, Kalinisan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Anumang bagay na mahipo o maupuan (higaan, silya, síya, mga kasuutan, at iba pa) ng lalaking iyon o ng babaing iyon sa panahon ng kanilang karumihan ay nagiging marumi rin, at gayundin naman, ang sinumang humipo sa mga bagay na ito o sa taong marumi mismo ay dapat na maligo at maglaba ng kaniyang mga kasuutan, at mananatili siyang marumi hanggang sa kinagabihan. Bukod sa paliligo at paglalaba ng kanilang mga kasuutan, kapuwa ang lalaki at ang babae ay magdadala, sa ikawalong araw, ng dalawang batu-bato o dalawang inakáy na kalapati sa tolda ng kapisanan, at ihahandog ng saserdote ang mga iyon, ang isa bilang handog ukol sa kasalanan at ang isa naman bilang haing sinusunog, upang magbayad-sala para sa taong nilinis na.​—Lev 15:1-17, 19-33.

  • Malinis, Kalinisan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Kung sa di-inaasahan ay magsimula ang regla ng asawang babae sa panahon ng pagtatalik, magiging marumi nang pitong araw ang asawang lalaki, gaya ng kaniyang asawang babae. (Lev 15:24) Kung sasadyain naman nilang hamakin ang kautusan ng Diyos at magtatalik sila samantalang nireregla ang babae, papatawan ng parusang kamatayan ang lalaki at ang babae. (Lev 20:18)

  • Malinis, Kalinisan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Bumabangon ang tanong: Bakit ang normal at wastong mga bagay gaya ng pagreregla, seksuwal na pagtatalik ng mag-asawa, at panganganak ay itinuturing sa Kautusan bilang ‘nagpaparumi’ sa isa? Una sa lahat, itinaas nito sa antas ng kabanalan ang pinakamatalik na ugnayang pangmag-asawa, anupat tinuturuan nito ang mag-asawa ng pagpipigil sa sarili, pagpapahalaga sa mga sangkap sa pag-aanak, at paggalang sa pagiging sagrado ng buhay at dugo. Kapaki-pakinabang din sa kalusugan ang mahigpit na pagsunod sa mga tuntuning ito.

  • Malinis, Kalinisan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang mga kahilingan ng Kautusan may kinalaman sa layunin ng mga sangkap sa pag-aanak ay nagturo sa mga lalaki at mga babae ng disiplina sa sarili, pagsupil sa mga pagnanasa, at paggalang sa paraang inilaan ng Diyos para sa pagpaparami. Mariing ipinaalaala ng mga tuntunin ng Kautusan sa mga nilalang ang pagiging makasalanan nila; ang mga ito ay hindi lamang pangkalusugang mga pag-iingat upang matiyak ang kalinisan o mga pananggalang laban sa pagkalat ng mga sakit. Bilang isang tagapagpaalaala ng minanang pagkamakasalanan ng tao, angkop na kapuwa ang lalaki at ang babae na may mga agas ng ari dahil sa normal na paggana ng kanilang mga katawan ay mangilin ng isang yugto ng karumihan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share