-
AsaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Binabanggit ng ulat sa 2 Cronica 14:2-5 na ‘inalis ni Asa ang mga banyagang altar at ang matataas na dako at pinagdurug-durog ang mga sagradong haligi at pinagpuputol ang mga sagradong poste.’ Gayunman, sinasabi ng 1 Hari 15:14 at 2 Cronica 15:17 na “ang matataas na dako ay hindi niya inalis.” Kung gayon, maaaring ang matataas na dako na binanggit sa mas naunang ulat sa Mga Cronica ay yaong sa paganong pagsamba na nakahawa sa Juda, samantalang ang ulat ng Mga Hari ay tumutukoy sa matataas na dako kung saan sumasamba kay Jehova ang mga tao.
-
-
AsaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Bagaman inalis ang paganong matataas na dako, maaaring nagpatuloy pa rin ang di-wastong mga anyo ng pagsamba sa matataas na dako, posibleng dahil hindi puspusang inalis ng hari ang mga ito di-gaya ng sigasig niya noong alisin niya ang mga paganong dako. O maaaring inalis ni Asa ang lahat ng matataas na dako, ngunit muling lumitaw ang mga ito sa paglipas ng panahon at hindi na naalis hanggang noong matapos ang kaniyang paghahari, anupat ang kaniyang kahaliling si Jehosapat ang dumurog sa mga ito.
-