Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Karima-rimarim na Bagay
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Sa Gitna ng mga Canaanita. Bago pumasok ang Israel sa Canaan, nilinaw ni Jehova sa kanila ang mga gawain at kaugalian ng mga tao sa Canaan na karima-rimarim sa kaniya, at dapat din nilang kasuklaman ang mga iyon. (Lev 18:26-30) Pangunahin na sa mga iyon ang idolatriya. Sinabi ng Diyos: “Ang mga nililok na imahen ng kanilang mga diyos ay susunugin ninyo sa apoy. Huwag mong nanasain ang pilak at ang ginto na nasa mga iyon, ni kukunin mo man iyon para sa iyong sarili, dahil baka masilo ka niyaon; sapagkat iyon ay isang bagay na karima-rimarim [thoh·ʽavathʹ] kay Jehova na iyong Diyos. At huwag kang magpapasok ng karima-rimarim na bagay [thoh·ʽe·vahʹ] sa iyong bahay at ikaw ay maging isang bagay na nakatalaga sa pagkapuksa na tulad niyaon. Dapat kang lubos na marimarim doon at talagang kasuklaman mo iyon [wetha·ʽevʹ tetha·ʽavenʹnu], sapagkat iyon ay isang bagay na nakatalaga sa pagkapuksa.” (Deu 7:25, 26) Ang sinumang Israelita na gagawa ng mga imahen para sa pagsamba ay dapat sumpain. (Deu 27:15) Gaanuman kaganda ang pagkakagawa sa mga iyon, ang gayong mga imahen ay dapat kasuklaman ng bayan ng Diyos.​—Eze 7:20; ihambing ang Isa 44:18-20.

  • Karima-rimarim na Bagay
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang iba pang mga gawain ng mga Canaanita na dapat maging karima-rimarim sa Israel ay: espiritismo kasama ang pakikipag-usap sa patay, pang-eengkanto, panghuhula ng kapalaran (Deu 18:9-12), paghahandog ng mga bata sa apoy para sa kanilang mga diyos (Deu 12:31; Jer 32:35; 2Ha 16:3),

  • Karima-rimarim na Bagay
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Nagkaroon din ang mga Canaanita ng mga “sagradong” patutot na lalaki at babae sa templo, ngunit ipinagbawal ni Jehova ang pagdadala sa kaniyang bahay ng ‘upa sa isang patutot o ng bayad sa isang aso,’ “sapagkat ang mga iyon ay karima-rimarim.”​—Deu 23:17, 18; 1Ha 14:24.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share